Special Gift #2

755 16 0
                                    

Two × Sleeping at Last (play the media pala kung pwede sa inyo)

[Line Break]

I will love you without any strings attached

It was raining. Hard. But Alyssa felt very safe inside the safety of her humble abode on the metro.

She looked at the digital clock and pursed her lips.

No, she's really not that calm. Not at ease.

She's not. Not when she knows someone else doesn't feel good.

Hindi pa naman ganon ka-late. It's just 8:30 pm. But you know traffic. Add rain to the usual issue and then for sure people will have an extra extra problematic day.

Tumayo si Alyssa sa sofa na inuupuan saka lumapit sa may bintana.

Kunot noo na sinusundan ang mga patak ng ulan.

Natigil lang sya sa kakatunganga nang may marinig na katok.

Bakas ang alala sa mukha nya

May kumatok ulit. Mas malakas at mas matagal ngayon.

Kaya nagmadali syang naglakad papunta sa pinto. Saka huminga ng malalim bago buksan ito.

Until a very wet Dennise Lazaro, standing before her came into view.

Sweetheart you look a little tired, when did you last eat.

"Den?"

Kagat labi si Dennise na tumingin sa kanya. Parang nahihiya.

"Alyssa, ano... Kasi hindi ako nakapagdala ng payong tapos... Tapos traffic tapos nasiraan ako tapos---"

"Hey..." Pigil ni Alyssa dito na nakangiti. "It's fine. Naiintindihan ko. Halika. Pasok ka."

Para namang nakahinga ng maluwag si Dennise at biglang nag-relax. Saka lang nahalata ni Alyssa na nanginginig ito. Siguro, hindi na nya natagalan na pigilan ito.

Binuksan nya ng mas maluwag ang pinto saka pinauna ang bisita na pumasok.

Saka lang pinasadahan ni Alyssa ang buong katawan ng bisita.

Basang-basa ito pati ang bag na dala.

Biglang lumingon si Dennise kaya ngumiti si Alyssa at tinuro ang sofa.

"Upo ka muna. Handa ko lang mga kakailanganin mo."

Akmang aangal si Dennise. "Hindi! Ah... Aantayin ko lang na tumila ang ulan."

Nakangiti na umiling si Alyssa. "At hindi kita papayagan na umupo lang dyan na hindi nagbibihis."

"Tara sa loob. Hanap tayo ng pamalit mo."

It left no room for Dennise to say no. Kaya naman sumunod na din sya na kinatuwa naman ni Alyssa.

Pagkapasok, nakaready na ang mga kakailanganin ni Dennise.

"Unused pa naman yang underwear. At ito yung tuwalya. Sa loob na lang yung mga sabon. Pili ka don."

"Pero---"

"Dennise, just take the shower. Para hindi ka na nyan magkasakit."

Dennise just nodded and walk her way to the bathroom.

"Atta girl."

Hindi na lang sya pinansin nito kaya lumabas na sya at nagpunta ng kusina.

Come in and make yourself right at home
Stay as long as you need

My GiftWhere stories live. Discover now