Tay? Samahan mo muna ako mag c.r please?
Bulong ko sa asawa ko. Habang nandito kami sa living area ng bahay. Busy kasi ang mga parents namin kaka prepare ng mga pagkain sa pagsalubong namin sa pasko.Both sides agreed na dito nalang daw sa bahay namin e held ang christmas para hindi na daw ako mahirapan magbiyahe biyahe pa.
Kasama naman namin dito sa panunuod ng cartoons ang mga bata na sina peter, justine na bunsong kapatid ko na kasing edad lang din ni peter, si baby emar at ang isip bata na si deanmar hahaha.
Sinamahan ko nalang silang manuod ng walang kasawa sawang batman dahil ayaw naman akong patulungin nila mommy sa preparation.
Wala muna kaming ininvite na ibang tao dahil gusto namin magbonding muna ang family namin both sides.
San mo gusto mag c.r dito sa baba o don sa kwarto nalang nay?
Sa kwarto nalang natin tay...gusto ko din muna kasing humiga.
Tumango naman siya at inalalayan akong tumayo.Seph?! Pakibantayan muna si emar. Samahan ko lang ate mo sa taas.
Utos ni deanmar sa kapatid niya na don sa may pintuan nakatayo habang may kausap.Tumango lang naman eto.
Sasamahan paba kita sa c.r nay?
Hindi na....saglit lang naman ako.
Nandito na kami ngayon sa kwarto namin. Magjijingle lang naman ako.Okey.
Pagkalabas ko naman galing banyo nakita ko naman siyang nanunuod ulit ng batman na hindi niya natapos panuod kanina sa baba dahil nagpasama nga ako sakanya dito sa taas.
Kahit kailan talaga adik na adik sa batman niya. Hindi na ako magtataka nito kung isang araw maging paniki na tong asawa ko. 😅😅
Sa sobrang tutok na tutok ng lolo niyo sa pinanuod niya, kung pano daw siya maging paniki hahaha joke lang. Akalain mong hindi man lang niya talaga ako napansin na lumabas na ako ng banyo, nagbihis na at eto nakahiga na nga sa kama. Mapapansin lang siguro ako nito pagbinato ko na siya. 😣😒 😅
Imbes na makipagbangayan sakanya hinayaan ko nalang ang isip bata na mag enjoy sa batman niya.
Pasalamat siya at mejo sumasakit tiyan ko kay mas need ko munang magpahinga kesa awayin siya. Para naman mamaya makajoin ako sa pagsalubong namin sa pasko.Nagulat naman akong may yumakap sa akin mula sa likuran ko. Nakaidlip na kasi ako kanina, nagising nalang ako sa biglang pagyakap niya sa akin ngayon. Tapos na siguro siya sa pinanuod niya.
Tay? Anong oras na?
Instead na matulog ulit, tinanong ko nalang siya kung anong oras na. Baka kasi 12 midnight na...sasalubong pa kami sa pasko.9:30 nay. Sige na pahinga ka lang jan. Halika yakap ka nalang sa akin. Unan ka sa dibdib ko.
Sinunod ko naman agad sinabi niya. Siniksik ko ulo ko sa leeg niya as usual na ginagawa ko pagnatutulog kami. Sa ganito kasi ako comportable.
Si baby emar di mo pa ba kukunin?
Hindi na muna nay...for sure nag eenjoy pa yun sa baba. Di rin naman yun matutulog kasi kagigising lang nun.
Hmmmmm......okey.
Sabi ko nalang sakanya..dahil wala naman na akong sasabihin ahahah. Basta gusto ko lang na yakap yakap siya kahit wala ng salita salita...

BINABASA MO ANG
🏡👪MA-FAMILIA💑🏡
Lãng mạn"A FAMILY STICKS TOGETHER, STAYS TOGETHER" "BUILD A HAPPY AND SOLID FAMILY!"