SEQUENCE 71

2.3K 79 24
                                    

4 months had passed simula nung umalis si deanmar pabalik ng palawan.




Our 1st month was very hard in a Long distance communication.




Nakakapanibago both sides.😰


Hirap pala talaga kapag nasanay kang nanjan siya parati sa tabi mo tapos isang araw wala na presensya niya.











Separation Anxiety hits me everyday. Umiiyak ako every morning and every night when i went home lalo na pag nasa room na ako. I remembered all our moments together kahit isang buwan lang yung pagstay niya but his memories remains like years na.😢








Akala ko yung sitwasyon ko na ang pinakamasakit na nararamdaman ko? But the most hurtful was, when my children feel nor experienced separation anxiety thing sa tatay nila. Mas nadudurog ako sa tuwing umiiyak sila ng patago or sa harapan ko mismo. 😢


Ang hirap sobra!!!!
Masakit pala na makita silang nangungulila at walang magawa kundi ang umiyak nalang ng umiyak.😢

Eto na nga ba yung sinasabi ko eh. Ang masanay sila na nanjan siya at masaktan ng wala na siya.😢



Pagcomfort nalang lagi ang nagagawa ko para sakanila dahil hindi ko rin naman masagot ang mga katanungan nila kung kailan daw ba babalik tatay nila. Kasi kahit ako hindi ko din alam ang sagot.
Ganun din naman si deanmar nung nakausap siya ng mga bata. Wala pa daw balita sa approval ng resignation niya. Sinasabihan lang daw siya na antay antayin lang.

Ano pa nga ba magagawa namin? Kundi antayin nalang talaga kailan yun mangyayari.







Everytime umiiyak mga anak niya kapag kausap siya alam kong mas nahihirapan siya kesa sa amin. Gusto niyang umiyak pero hindi niya magawa dahil alam ko ayaw niyang malungkot ang mga anak niya kaya pinipilit niyang magbiro kahit hindi naman nakakatawa para lang ma divert ang pag iisip ng mga bata sa ibang bagay kesa magfocus sa presensya niya.











On our 2 months na wala na siya sa tabi namin, mejo nakaka adjust na kami pero hindi pa din maiwasan na maalala namin siya. Ganun nalang kalaki ng naging impact  ni deanmar sa amin. Nakakabaliw ang mamiss presensya niya. Sobra!!!😢😭










Ang komunikasyon namin unti unti na ding lumalabo. Once a week nalang namin siya nakakausap. Minsan nakakausap nga namin siya pero poor cignal naman. Hindi rin kami nagkakaintindihan ang tendency maboboyset ka nalang sa panay hello hello niyo sa isat isa.😒 Kaya imbes na mag away kami, pinapatay ko nalang at hindi na sinasagot tawag niya.

Sinubukan namin maging textmate pero hindi rin nagtagal as usual maboboyset lang din ako dahil mag iisang oras pa siguro bago siya magreply. Imbes na maitapon ko ang cellphone ko. Nagleleave message nalang ako sakanya kesa tutunganga ako sa pag aantay ng reply niya😒



Sa huling usap namin, na assigned pala sila ulit sa gitna ng kagubatan. Kung saan nagpatayo daw doon ng bagong kampo ng mga marines at ang grupo nila ang nadestino doon. Kahit lahat ng klase ng network hindi nakakalusot doon. Unless nalang daw kung aakyat sila sa puno or pupunt Sa may tuktok ng burol na lalakarin pa nila ng isang kilometro.
Pambihira?!!! Marami talagang magkarelasyon maghihiwalay pagmagtagal na ganun ang sitwasyon?!😅😣😒😏





Sa mga panahong yun na nawala na talaga komunikasyon namin, nag struggle ako ng malala sa presensya niya. Hindi ko alam bigla nalang akong nakaramdam ng weird feelings. Yung tipong gustong gusto ko siyang makita? Yung gustong gusto ko siyang yakapin? Yung tipong gustong gusto kong titigan ang mukha niya? Yung tipong gusto kong isiksik yung mukha ko sa leeg niya at amoy amuyin eto? Pero ang lahat ng yun hindi ko magawa kasi wala siya sa tabi ko??😢😭😭😭
Gusto ko sanang maglambing sakanya personally pero ang hirap kasi kahit anino niya wala eh!😢

🏡👪MA-FAMILIA💑🏡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon