SEQUENCE 96

2.4K 98 98
                                    

Oh Nay?! Saan sila? Akala ko ba may dinner dito sa bahay?

Tanong ko sa asawa ko pagkadating namin sa bahay. Maaga kasi kaming nakauwi. Binilisan ko talaga tapusin kanina ang trabaho ko dahil kita ko sa asawa ko na nakatulog na siya kakaantay sa akin. Buti naman nga at natapos ko agad. Nakarating kami dito ng 6:00 pm, maaga pa sa napag usapang oras. Kaya impossibleng walang tao dito. Naabutan kasi namin dito sa bahay na sobrang tahimik, wala man lang makita na may naghahanda kahit sila manang pati mga bata wala din. Hindi pa naman kami late kasi sabi niya 8:00 pm pa naman daw? Instead na sagutin ako ni margarett dumiritso lang eto sa kwarto namin.





Nay?

Tawag ko ulit sa kanya bago eto makapasok.




Asan sila? Bakit walang tao dito?

Napahinto naman eto, pero hindi ako nilingon.




Nanjan lang yan sila. Halika ka muna dito magbihis muna tayo.




Napalingon lingon naman ako? Saan kaya? Tanong ko sa isip ko sabay kamot sa ulo ko. Pambihira! Eto naba yung surprise niya? Wala akong nagawa kundi ang sumunod nalang sakanya.

Pagkapasok ko sa kwarto namin sobrang busy ni margarett. Tas ang gulo gulo pa ng kwarto. Hindi pa siguro to nakapangligpit ng mga gamit niya. Agad naman niyang kinuha mga gamit ko at nilagay sa couch. Tinitingnan ko lang siya pero tuloy tuloy pa din eto sa ginagawa niya. Hinubaran niya na ako ng mga damit ko hanggang sa ang natira nalang ay boxer short ko. Tinulak niya ako papuntang banyo at binigyan ng tuwalya. Naguguluhan talaga ako sa kinikilos niya. Wala man kasing imik sa mga pinanggagawa nito sa akin. Even no explanation at all!







Make it faster hon! Nag aantay na sila!

Sabi niya na nung makapasok na ako sa banyo.






What's really happening ba talaga nay? Kanino pa ako naguguluhan sayo?

Tanong ko naman dito habang naliligo na.





Wag na pong magtanong. Pakibilisan nalang po.

Sagot naman niya. Wala akong nagawa kundi ang tumahimik nalang. Sinunod nalang ang gusto niyang mangyari. Eto na kasi ata ang surprise na tinutukoy niya. Be cooperate nalang para hindi ko masira ano man ang pa effect ng asawa ko ngayon. hahahahah








Pagkalabas ko ng banyo, magsasalita na sana ako pero nakaramdam ako ng katahimikan. Biglang wala ng tao.? Anong kalokohan to margarett?! Nakapamewang nalang ako habang nakatuwalya. Saan na naman nagpunta yun? Hinanap ko siya at paulit ulit  a tinawag pero wala talaga.




Maya maya pay tumunog cellphone ko.





Tiningnan ko ang caller. It's her!






Margarett Ano nanaman to?

Pagrereklamo ko sakanya. Imbes na sagutin ako iba ang sinabi niya sa akin.







Magbihis kana po jan. Nasa kabilang room lang po ako. Dito na ako naligo sa room ni ate enna, ambagal bagal mo kasi. hahahaha

Hep?! I warned you deanmar wag ka ng pumunta dito. I love you honey! See you later! haahahah

She ended the call by hanging me with lots of questions in my mind. Napakunot nalang ako ng noo ko habang nakapamewang pa din. Narinig ko namang biglang may kumatok sa pinto, kaya dali dali akong naghanap ng underwear at boxer short ko. Lanya!!! Sino naman kaya ang kumatok? For sure naman kasi na hindi yun ang asawa ko. Kakasabi niya lang kasi na wag daw akong sumunod sakanya. Pagkatapos kung magbihis pati pang itaas, pambahay lang muna ang sinuot ko para mapagbuksan ko agad ang kumatok.








🏡👪MA-FAMILIA💑🏡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon