Lumipas ang mga araw at naging linggo. Ang mga linggo ay naging mga buwan. Buwan na wala pa ding pagbabago sa naging sitwasyon ko. I still can't walk!
Dapat nga tanggap ko na eh, kaso i felt frustrated everyday and irritated knowing the fact that i can't able to do a normal things specially sa mga anak at asawa ko. Gusto kong ako ang mag alaga sakanila pero sila pa etong nag aalaga sa akin. Ayaw kong tanggapin na i am disabled person pero anong magagawa ko? Eto naman talaga nagiging sitwasyon ko sa ngayon.
Deanmar transferred our room sa baba, para hindi na daw ako mahirapan at mag antay pa ng mga taong magbubuhat sa akin kapag gusto kong lumabas ng room kung wala siya. Kasi kapag nasa baba kami any time pwede lang akong magsaklay, pero sobrang hirap pag yun ang gagamitin ko kaya wheelchair ang madalas ko nalang ginagamit.
Hindi niya na din ako pinayagang pumunta ng opisina kahit pa sana kukuha kami ng alalay ko pero ayaw niya na talaga. Sabi niya pa ibang tao nalang ang gagawin naming frontliner ko specially sa field/site visitation. Siguro talagang na trauma na siya sa nangyari sa akin. Pero nakiusap talaga ako sakanya na i will not stop working kahit nandito pa din ako sa bahay dahil sobrang naboboring na talaga ako sa pagstay at home, i know this is what's the best for me atleast namomonitor niya daw ako and he is comfortable with my situation kapag nandito lang ako sa bahay. Kaya napagkasunduan naming mag asawa na gamitin nalang yung space sa harapan at gawin kong sub office ng Building Nation. Para incase na may gustong makipag appoinment (s) sa akin personally i can still manage them but dito na sila sa bahay pupunta.
Naging successful naman ang naging plano naming mag asawa. Feel ko pa din naman na nasa office lang talaga ako.
Bigla akong nabuhayan ng dugo nung nag umpisa na nga akong mag office dito sa bahay, parang i felt more excited to woke up everyday? And looking forward on whats coming ahead of me by coming back to what i love, on my job!😊😁
Kapag ganito na kasi na nabubusy na talaga yung utak ko mas nakakalimutan kong isipin ang sitwasyon ko and somehow little by little, natatanggap ko na. Tanggap in a sense na no choice nalang talaga and mas sanayin pa ang sarili ko na gawin ang bagay katulad sakanila na normal lang. Kung nagawa nga ng mga inborn disabled? Makakaya ko din! Sanayan lang talaga yan, at makuntento nalang sa kung ano ang meron sayo sa ngayon. Maybe it's hard but for sure in the end of the day it will be appreciated.
Ang nangyari sa aming aksidente ay naging malaking impact sa rate ng company. Biglang napanghinaan ang mga employees namin, naglaylo ang mga clients namin at mas lalong ako kasi nakita ko kung paano bumaba ang standing ng building nation even though daddy dean was helping us naman but hindi din namin maipagkaila na, unti unting nagback out ang mga nakaline up na clients namin. Gusto nga din sana mag cancel ng contract ang clients namin na naumpisahan na ang project eh, buti nalang at napakiusapan ko pa. Kahit sino naman kasi, pagmalaman nila ang naging sitwasyon namin they will questioned talaga our ability to do our responsibility. Isa yun sa mga nakapagbigay sa akin ng frustrations in the past months. Feeling ko, babagsak na yung company na pinaghirapan naming buuin at pagtagumpayin ng ilang taon tapos sa isang iglap lang ganun ganun lang mawawala sa amin? I was devastated! Really! Kahit pa ilang beses pagaanin ng asawa ko ang loob ko, hindi niya maipagkakaila na hindi na ako nadadala sa ganong mga strategy niya. He knows me well! Pag sa mga serious situation na, ayaw kong gawin lang etong biro or madadala sa pambobola katulad ng ginagawa niya sa akin para to eased it.
Since, i don't want to be defeated without doing anything. Gumawa talaga ako ng paraan Kinausap ko si deanmar, pinilit ko talagang siyang bumalik ako sa pagtatrabaho because i need to do something. Ayaw ko yung wala akong ginagawa at iasa lang sa iba ang company. Yun nga napagkasunduan namin, we used the space sa harapan ng bahay.
BINABASA MO ANG
🏡👪MA-FAMILIA💑🏡
Romance"A FAMILY STICKS TOGETHER, STAYS TOGETHER" "BUILD A HAPPY AND SOLID FAMILY!"