Nakarating kami ng bahay ng walang imikan ng asawa ko. Dahil hanggang ngayon di pa rin nawawala ang inis sa nakita ko sa kanila kanina sa mall. Ang nakakabadtrip pa may pangiti ngiti pa ang magaling kung asawa sa babaeng yun.
Alam na nga niyang nabubwesit ako sa babae na yun sa last birthday niya tapos eto nanaman ngayon sa birthday niya naman ulit ako bwesitin? Kung hindi lang talaga siya kasama sa bandmates ng asawa ko hindi ko talaga siya isasama sa invitation.😒
Subukan niya lang talagang gumawa ng hakbang mamaya baka uuwi siyang maga nguso niya!😠. Kainis talaga!!!😤We arrived sa bahay around 2:30 pm na. Kaya todo tapos ang lahat sa kanya kanya naming ginagawa dahil by 6:00 pm darating na ang mga bisita.
As usual hindi pa rin pinatulong nila mommy si deanmar dahil ayun sa paniniwala nila bawal daw yun.
Ka char oi!😅
Ansarap pa lang maging birthday celebrant? Buhay hari at reyna ka sa buong araw. Pwedeng bang everyday birthday ko nalang din? Sana all talaga. Hahahahaha😅😅😅
Pero imbes na magrerelax siya, binilinan ko naman siyang alagaan niya mga bata dahil wala naman siyang ginagawa.Sa sobrang busy namin, hindi na namin namalayan kung ano na pinanggagawa ng mga bata espesyale sa mga anak ko at ang ama nila. Hindi ko kasi sila nakikita, siguro nasa kwarto lang sila kasama tatay nila.
Nagulat na lang akong tinawag ako ni manang at nagsumbong sa akin sa pinanggagawa nina enna at erean sa kusina. Nakikisali daw sila sa mga ginagawa nila doon, okey lang daw sana kung maganda ang naitutulong eh mas lalong ginugulo lang daw ng mga bata yung ginagawa nila kaya di na daw nila eto matapos tapos. Kita nga sa hitsura ni manang ang sobrang inis sa mga anak ko.
Hindi lang ikaw ang naiinis na manang, dahil ako naiinis na din.😒
Saan na pala yung hinayupak na yun pinag iwanan ko sa mga bata?!😤
Kuya? Saan tatay mo?!
Tawag ko sa anak kong nagtatakbo galing pool papuntang sala, na sobrang basa na sa pawis.
Di ko po alam nanay.
Hanapin mo nga! Sabihin mo yung mga kapatid mo nanggugulo na dito sa kusina, pakibantayan niya kamo!
Eh nay kayo nalang po. Naglalaro pa kami nila kuya peter at justine eh.
Uunahin mo pa yang paglalaro mo kesa sa mga kapatid mo DEANMAR WONG JR.?!😠
Isa pa to?😒
Eih! Nanay di ko po nga kasi alam saan siya.😔
Kaya nga sabi ko hanapin mo diba?! Kainis to! Magrarason pa eh.
Kita ko namang nakabusangot siya. Imbes na hanapin tatay niya, umupo lang sa may couch sa sala. Kaya mas lalo nag-init ulo ko sa pinapakita niya.😠
Kuya?!!! Naririnig mo ba ako?!
Isa ha?! Pagdi ka kumilos jan, malilintikan talaga kayo ng tatay mo sa akin!!
Wag niyo ko bwesitin dalawa! Pag ako mainis sa inyo pag uuntugin ko kayong mag ama!Sabi ko habang nakatayo sa harap niya ng naka pemewang na!
Minsan kasi may pagkatigas din ng ulo ng batang to, nakukuha niya na din ugali talaga ng tatay niya. Yun ang pinaka iinisan ko lalo pa ang hilig hilig niyang magrason, ayaw magpatalo.😒
Parang sayo ata yan nagmana marga?!😂😂
Tse!!!hindi ako ganun!😒
Hindi halata?!😂😂😂
BINABASA MO ANG
🏡👪MA-FAMILIA💑🏡
Romance"A FAMILY STICKS TOGETHER, STAYS TOGETHER" "BUILD A HAPPY AND SOLID FAMILY!"