Three weeks after, naipakilala na si margarett bilang president ng pinatayong engineering and architechtural firm ng both parents namin.
Ibibigay na din daw nila eto kay margarett kumabaga siya na daw ang magiging may ari nito bilang regalo daw nila na nakapagtapos si margarett.
They named it "BUILDING NATION" by Gawong Corporation".
Kaya GAWONG CORPORATION it was named after the surname of daddy jessie na GALANZA and Daddy Dean na WONG. Daddy dean and daddy jessie were best of friends since their childhood days. Their wives being best friends when they're married to daddy and daddy jessie.
Since then, they had promised to each other that they will be partners the rest of their lives. Gusto nilang intact pa rin sila kahit may kanya kanya na silang pamilya. They vowed to each other the way the married couple vows during the wedding. Sabi pa daw ni daddy dean, na paglaki nila sabay nilang abutin mga pangarap nila at kikilalanin sila sa buong mundo bilang mga tycon business man. Kaya both of them work hard, nagbebenta sila na kung ano ano para lang masustain nila ang kanilang pang araw araw na pangangailangan at maging ang pag aaral nila. Lumaki silang ulila sa mga magulang. Both their parents died sa isang aksidente sa lugar nila. May mga kapatid daddy jessie pero mas pinili niyang umalis dito dahil may mga pamilya na eto at sumama siya kay daddy dean na makipagsapalaran daw sa manila. Ilang beses din silang balak kunin ng mga dswd habang naglalakbay sa kalsada pero dahil sa matatalino sila natatakasan nila eto. Ayaw daw kasi talaga nilang makulong nalang sa bahay ampunan at mag aantay kung sinong aampon sa kanila. Daddy dean was very brave in everything. Matalino si daddy kaya nakaisip siyang magbenta ng kung ano ano mula sa perang pinanghihingi nila kung kani-kanino hanggang sa umabot na eto ng pwedeng pang puhunan. Daddy jessie was weak daw, lagi siyang nahihiya o natatakot sumubok sa isang bagay kaya si daddy nalang talaga ang nagpursigeng gawin lahat ng naging plano niya pero hindi pa din naman niya iniwan si daddy jessie. Naiintindihan naman niya ang sitwasyon ng best friend kaya tinuturuaN niya nalang eto hanggang masanay na at mawala na ang hiya at takot. Kaya simula non unti unti silang nakaipon ng pera pang aral nila gang sa nakapagtapos sila sa tulong ng isa't isa. Na kahit sa hirap at ginhawa di nila iniwan kailanman ang isat isa sa ere. Kumabaga mas ginamit pa daw nilang inspiration ang strength at weakness ng isa't isa para magpursige pa. Kita niyo naman ngayon? They're very successful na! May motto nga sila eh, "TOGETHER WE FALL, TOGETHER WE STAND"
Ang sweet diba?😅😂😁Kaya nung nakita nila kaming closed na closed ni margarettt sinabi nilang gusto nilang ipamana sa amin ang naging motto nila. Kasi nakikita daw nila sa amin kung sino sila dati. Katulad din nila daddy dean at daddy jessie, Me and margarett were childhood bestfriends.
Nung araw ng paglaunch ng BUILDING NATION expected na ang sobrang daming tao lalo na sa larangan ng field ng business ng BUILDING NATION. Sari saring mga engineers and architects ang nandon, the medias were also invited as part of promotion ng firm. Knowing dad in business world he wanted his business to be known! He don't want to be behind. Yun ang ugali niya, palaban!
When we arrived at the venue, nakita namin kung gaano eto pinaghandaan talaga simula pa lang sa entrance hanggang sa stage nito. Bigla nga akong nalula eh, hindi ko na kasi sinasanay sarili ko sa ganitong mga event. Agad namang may lumapit sa amin na isang staff para e guide kami sa loob. Habang papasok kami pansin ko naman na napapatingin sila sa gawi namin. Sa isip isip ko masyado naba talaga akong gwapo pati lalaki napapatitig sa akin?😅😆😂. But i was wrong dahil may isang asungot biglang sumalubong sa amin ng asawa ko. Ang kapal talaga!!! Hindi niya ba nakita? Magkaholding hands kami ng asawa ko at karga karga ko anak namin oh?! Yan nalang nasabi ko sa isip ko habang nakikipagkilala siya sa asawa ko. Sobra kasing attractive suot mo nay? Sana nakapangtulog ka nalang. 😅😆😂
Buti nalang at nag excuse na siya don sa asungot na yun.Hindi nagtagal nag umpisa na din yung event, nung una kasama ko pa ang asawa ko sa table na nakareserved sa amin pero maya maya pa'y sinundo na siya nung babaeng sumalubong sa amin sa may entrance. Papalipatin daw siya ni daddy don sa table nila. Isasama pa sana ako ng asawa ko lipat daw kami doon pero sabi nung babae ewan lang daw ako sa table namin dahil mga engineers at architects lang daw ang nandoon na possibleng maging partners nila sa business. Agad ko namang nagets sinabi nung babae kaya ako na ang nagsabi sa asawa ko na pumunta na siya doon at okey lang kami ni baby emar kasama ko naman sila mommy sa table. Pumayag naman siya, at hinalikan kami ni baby bago siya umalis.
BINABASA MO ANG
🏡👪MA-FAMILIA💑🏡
عاطفية"A FAMILY STICKS TOGETHER, STAYS TOGETHER" "BUILD A HAPPY AND SOLID FAMILY!"