Kwenento naman lahat ni margarett ang napanaginipan niya. Kahit ako kumukulo ang dugo ko ng marinig ko yun. Kung naging totoo lang yun baka nilamayan na yung gagong yun!😡😡😡😡
Ramdam na ramdam ko pa din sa asawa ko ang takot niya sa panaginip niya kaya sinabi ko sakanyang walang sino man ang makagalaw sa kanya habang nabubuhay ako! Sinabi ko din sakanya na bukas na bukas din palagyan ko ng cctv sa labas ng bahay namin para makita namin sino ang labas pasok dito or kung may kahina hinala mang umaligid aligid.
I planned na din lagyan pa ng dagdag na double lock lahat ng pintuan at windows namin para talagang sigurado na hindi kami basta basta mapapasok dito sa loob ng bahay. Sinabihan ko din siya na kailangan family members at close friends lang ang allowed pumunta dito, the rest need muna ng approval mula sa amin at bukas na bukas din yun ang aasikasuhin ko sa office ng subdivision nato at bilinan na din ang mga gwuardya.
Kahit pa sabihin nating panaginip lang yun, pero minsan kasi or madalas nagkakatotoo ang panaginip natin. Often times ang warning dinadaan sa panaginip para ma aware ang involve na tao at maiwasan eto. Minsan din hindi agad eto nangyayari ngayon or kinabukasan, madalas mga ilang buwan o taon pa eto mangyari. Kaya bago pa mangyari yun we need to be extra careful and advance lalo na sa panahon ngayon hirap ng magkumpyensa at magtiwala. madalas nga inside job pa eh at yun ang pinakamahirap ang paghinalaan ang mga malalapit na tao sa inyo.
Habang nag uusap kami panay siya tanong sa akin ng kung ano ano, alam ko naman na gusto niya lang ma confirm kung totoo ba talagang panaginip lang yun baka nga daw kasi nangyari na yun bago ako nakarating dito sa bahay. Kaya kwenento ko sakanya simula ng pagdating ko dito at yung ginawa ko at kung pano din siya napunta dito sa kwarto namin.
Dumating ako dito sa bahay around 12:10 pm na. Pagkapasok ko, agad ko namang nakita si margarett na natutulog na sa may couch ng sala namin habang nakaupo. Agad ko naman siyang inayos sa kanyang paghiga dahil baka nangangalay na yung leeg niya, nahuhulog na kasi sa sandalan. Sa isip ko, napagod siguro to kakalinis kasi nakita ko katabi niya pa ang walis tambo sa may paanan niya.
Maya maya pay narinig ko naman ang anak namin na nagsasalita ng kung ano ano na siya lang ang nakakaintindi hahahahaha. Pinuntahan at Kinuha ko naman agad siya sa crib kung saan siya nakalagay at dinala ko sa kwarto namin para makita ko siya habang nagbibihis ako.
Habang pinapadede ko si baby emar, bumaba muna ako para buhatin si margarett at ilipat na sa kwarto para makatulog siya ng maayos, mejo masikip kasi doon sa hinihigaan niya sa baba.
Nakita ko naman na mahimbing pa din siyang natutuloh, Para hindi madisturbo ang tulog ni margarett kinuha ko si baby emar at pumunta kami sa sala at nanuod ng mga cartoons pang bata. Pareho naman kaming aliw na aliw sa pinanuod namin na BABY BOSS. Inaamin ko naman na isip bata talaga ako, kaya nga madalas kami mag away ng asawa ko eh dahil imbes ako daw ang padre de pamilya parang bunsong anak pa daw ako sa pagkaisip bata 😅😆😂😂😂. Pero gang ganun lang naman siya kasi lab na lab pa din naman niya ako lalo na pagiging isip bata ko na sinasabi niya. Atleast balance yung relasyon namin diba? siya masungit at masyadong seryoso ako naman very light lang.
Kaya pagganito na nanunuod kami ng anak ko ng mga cartoons naasar na siya dahil hindi daw siya makasingit panuod ng mga favorite KPOP movies niya😅😂😂😂😂.
Kaya ngayon, wantusawa kaming nanunuod ng kolokoy buddy ko nato habang tulog nanay niya. Kasi kung gising yun? Nako!!! Akala mo may world war sa kakatalak nun sa amin hahahah oo! Sa amin! Isama ko natong si baby emar alangan ako lang diba? Pareho naman kaming nag enjoy😅😆😂😂😂😂
BINABASA MO ANG
🏡👪MA-FAMILIA💑🏡
Romance"A FAMILY STICKS TOGETHER, STAYS TOGETHER" "BUILD A HAPPY AND SOLID FAMILY!"