Tahimik lang kami ng asawa ko habang binabaybay namin ang daan pauwi ng bahay.
Hindi rin kasi siya nagsasalita simula nung umalis kami at hindi ko din alam anong sasabihin kaya mas pinili ko nalang din na manahimik nalang.
Alam ko na dismayado siya. Kita ko sa mga mukha niya kanina. Pero kahit masakit, kahit mahirap, yun talaga eh? We can't control about it. 😢
Ilang minutes of travel nakarating na din kami sa bahay. Siya ang unang bumaba at pumasok sa bahay.
Pagbalik niya tulak tulak niya na ang wheelchair ko. Binuksan naman niya agad ang pinto sa passenger seat at binuhat ako paupo sa wheelchair na dala nito.
Good afternoon ma'am!
Bati sa akin ni manang pagkapasok namin sa loob ng bahay. Napansin niya siguro ang mga aura namin, umalis na agad siya sa harapan namin at pumunta ng kusina.
Manang? Akyat muna kami ha? Wag mo na din kaming ipaghanda ng lunch kumain na kami sa labas kanina.
Sabi ko sakanya baka kasi maghanda pa eh.
Okey po ma'am.
Si enno at essa saan?
Dagdag ko pa.
Nasa room po ni enna natutulog po ata ma'am.
Ah okey. Sige akyat muna kami.
Binuhat naman agad ako ni deanmar paakyat ng kwarto namin. Pinaupo niya ako sa gilid ng kama at ganun din siya. As usual tahimik lang kami.
We stayed silent for minutes.
Sige na, magbihis ka na.
Sabi niya ng walang ka emosyon emosyon sabay tayo nito. Pero bago pa siya makaalis hinawakan ko ang kaliwang kamay niya.
Ako na.
Sabi ko sakanya ng hindi nakatingin dito.
Ako na. Umupo ka na lang jan.
Hindi na. Kaya ko naman.
Pag insist ko pa.
Margarett wag ng matigas ang ulo. Ako na ang kukuha.
Hila niya sa kamay niya.
Pero pinilit ko pa din tong pigilan.
Ako na nga sabi!
Mejo napataas na ang boses ko sakanya.
Ba't ba ang tigas ng ulo mo?! Ako na nga diba?!
Ikaw ang hindi makaintindi! Ang sabi ko ako na?!!! Mahirap bang intindihin din yun?!
Ano ba kasi ang gusto mo? Alam mo na nga ang kalagayan mo?!
Kaya ko!!!
Sige! Magpumilit ka?! Pano ka kukuha ng damit mo don?!! Sige nga!
Gagapang ka?! Sige! Gumapang ka! Yun naman ang gusto mo diba?!!!😡Napatigil ako sa sinabi niya. Habang hinahayaang tumulo mga luha ko.
Masakit man ang sinabi niya, pero gusto kong ipakita sakanya na kaya ko katulad ng normal pa ako nuon.😢
Sinubukan kong tumayo pero sobrang hirap kasi di ko talaga maigalaw ang dalawa kong paa. Walang lakas akong maramdaman.
Humawak ako sa mga mesa na katabi nito pero na out of balance lang ako at natumba sa sahig. Agad naman siyang lumapit sa akin.
BINABASA MO ANG
🏡👪MA-FAMILIA💑🏡
Romance"A FAMILY STICKS TOGETHER, STAYS TOGETHER" "BUILD A HAPPY AND SOLID FAMILY!"