SAMPO

2.3K 48 0
                                    

Si dad!
Nagulat kami bigla sa sabi ni ate nicole. Kaya bigla kaming napalingon kung saan siya nakatayo.

Bakit nics? Anong nangyari kay daddy?
Pagtatakang tanong ni ate cy

Ayon oh!
Sabay nguso niya doon banda sa may nakahilirang pagkain.

Shit!!!
Napasapo nalang ako sa ulo ko nung makita namin si daddy papalapit na kay deanmar.

Ano ng gagawin natin?
Tanong nmn ni ate nics

Mga anak? Hindi ko makita daddy niyo. Sabi ng mga kasamahan niya kani------
hindi na namin pinatapos si mommy sa pagsasalita dahil sinabihan na agad siya ni ate nicole na nandon nga si daddy sa table ni deanmar.

Kaya si mommy biglang nataranta.

Mom. Relax okey?
Sabi ni ate cy.

Ahmmmm....ganito nalang.
Sabi ko sa kanila.
Pupuntahan ko sila daddy and i will distract their conversation. Kunyari hihiramin ko muna si deanmar para magpahinga na. And mom? Okey lang po ba ikaw nalang po bahalang libangin si daddy after namin umalis ni deanmar sa table  and......
Di ko na natapos ang sasabihin ko dahil sumingit na agad si ate cy.

Marg? Dalhin mo si deanmar sa kitchen. Don tayo dumaan sa may likuran. May daan naman don pero sa kabilang block na ng subdivision nato. Maglakad na lang tau paikot para kunin ang motorcycle niyo at don na niya e on ang engine sa kabilang block para hindi marinig ni daddy.
Aantayin ko nalang keo don sa kitchen okey? And nics. Bantayan mo nalang jan banda sa may gate? Siguraduhin mong Hindi makalapit si daddy don. Gawa ka nalang ng paraan kung sakaling mag attempt siyang lumapit.
Antayin mo kami nila marg na makuha ang motor nila bago ka umalis jan banda sa gate okey?.

Basta mom? Kaw na po bahala kay daddy ha? Wag mo siya palipitin sa kitchen and even sa gate.
mahabang instruction ni ate cy.

OKEY!!!
sabay naming sabi nila ate nics at mommy.

Okey, Sige na margarett puntahan mo na yung dalawa, mukhang humahaba na usapan nila.
After sabihin yun ni mommy. Umalis agad ako para puntahan sila. Grabe! Kinakabahan talaga ako at pinagpawisan. Baka after nito makakuha na ako ng best acting award😅 hindi lang pala ako kundi kaming apat sa pinanggagawa namin😄😅

Sana lang talaga makatakas kami kay dad. Haaay pasaway ka talaga dad. Ang ganda ganda na ng usapan natin kanina eh.😕😥

Nandito na ako ngayon sa harapan nila. Mukhang seryoso na nga ng pinag uusapan ng dalawang pasaway nato. Nakita ko na kasing nakakuyom na ang kamay ng asawa ko. Kaya kailangan ko ng sumingit at e distract sila.

Eheeemmm! HI dad?!
Bati ko kunyari dito.
Bigla naman napatingin ang asawa ko sa akin at pati na rin si daddy.
Buti naman at nakuha ko atensyon nila.
Kaya mo yan margarett. Pangungumbinsi ko sa sarili ko. Aja!💪

Oh! Margarett? Aalis na ba keo?
tanong ni dad sa akin. Sabi ko na nga ba eh nagduda na siya kanina pa.😥

Yes!!!
oh shit!! 😨😰😣😩 biglang singit ng asawa ko. Tapos na talaga. Deanmar naman?! 😤 sinira mo plano namin eh?!

Napansin ko namang napa ngiwi si dad habang nakipag sukatan ng tingin kay deanmar.

Ramdam ko ang pagtulo ng malaking butil ng pawis sa noo ko. Hinanap ko si mommy para iparating man lang sakanya kahit sa tingin lang na, mukhang papalpak ata plano namin.😢😥

You'll stay here!!! Dito keo matutulog!!!
ma awtoridad na sabi ni dad.
Eto na nga bang sinasabi ko eh.😣

Maragarett you have to do something!
Stop the tension between them kung hindi may isa sa kanilang bubulagta jan.😰

🏡👪MA-FAMILIA💑🏡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon