ONSE

2.2K 50 2
                                    

Nagising ako sa tapik sa aking pisngi.

Hmmmmmm......
Ungol ko. Kasi naman sarap pa matulog eh.

Taaaaay??
Taaaaaaay?

Hmmmmm?

Gising ka muna please?

Hmmmmm...bakit ba kasi nay?
Sabi ko habang nakapikit pa

Masakit tiyan ko tay.
Gising ka muna jan.
mala anghel na boses ang naririnig ko malapit sa taenga ko.

Ouch!!! Taaaay......pagyugyog sa akin.

Gising kana muna jan sabi!!! Masakit tiyan ko DEANMAR!!!!
bigla akong napabangon sa narinig ko.
Humarap agad ako sa asawa ko dahil nagrereklamo na siya sa sobrang sakit daw. Kaya kahit masakit ang ulo ko sa biglaang paggising...di ko na inalintana pa bagkus itinuon ko nalang asa asawa ko ang atensyon ko.

San banda masakit nay?
Pag alalang tanong ko sakanya.

Dito banda sa kanan tay.
Jan...ibaba mo pa kunti...sige pa...jan! Jan ang masakit.
Pagturo ng asawa ko.

Anong klasing sakit ba?

Kumikirot eh.😣

Wait. San ba nakalagay yung ointment? Lagyan natin baka napasukan ka lang ng hangin dahil sa biyahe natin kanina.

Don sa drawer tay sa may lamp shade. Hanapin mo na lang don please.

Agad agad naman akong tumayo at hinanap na ang ointment.



Dito ba ang masakit nay?
pagkumpirma ko sa asawa ko.

Oo tay..jan.....

Maanghang ba ung ointment?

Okey lang naman tay...

Dagdagan ko pa ba or okey na ganito karami?

Dagdagan mo pa kunti please?
Pakiusap ni margarett.

Naawa ako sa hitsura ng asawa ko. Masakit talaga siguro kasi ngchuchuckle pa siya eh at napapapikit sa tuwing kumikirot siguro.

Tiisin mo lang nay. Baka kinabagan ka lang dahil sa biyahe natin kanina.

Pinagpatuloy ko pa din ang paghimas sa tiyan ng asawa ko, habang siya nakapikit pa din. Pinapakiramdaman niya siguro yung sakit. Kita ko naman na pinagpawisan siya...kaya tumayo ako ulit at kumuha ng face towel at pinunasan ang basa niyang mukha.

Okey ka lang nay?
Tanong ko sakanya. Hindi kasi umiimik kaya tinanong ko na para alam ko kung ano ang nararamdaman niya talaga.

Tumango lang siya bilang sagot sa tanong ko , hinawakan niya naman ang kanang kamay ko ng napakahigpit at nagkagat labi pa siya. May bigla na naman sigurong sumakit sa tiyan niya. Nanghuhula nalang ako, kasi di ko naman alam kung ano ba talagang totoo niyang naramdamang sakit. Kasi gang ngayon di pa din siya nagsasalita.😢

Nay? Sabihin mo lang kung saan pa banda masakit ha?

Okey na tay....himasin mo lang yung nilagyan mo ng ointment kanina please?

Okey sige.
Haay salamat nagsalita rin. Mejo kinabahan ako don ah? Kaya eto, hinihimas himas ko ulit ang tiyan ng asawa ko. Kita ko naman na narerelax na siya at huminga ng napakalalim. Pinunasan ko  na naman ulit ang mukha niyang basa na naman sa pawis.

Okey naba pakiramdam.mo nay?

Mejo okey na tay. Thank you.
Nagmulat naman agad siya ng mata at ngumiti ng tipid sa akin habang nilagay kamay niya sa ibabaw ng kanang kamay ko  na naghihimas sa tiyan niya.

🏡👪MA-FAMILIA💑🏡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon