TRESEE

2.5K 55 4
                                    

Nay?!
Tawag ko ko kay margarett pagkapasok ko ng bahay. Kakauwi ko lang kasi galing construction Site. Sabi ko sakanya na gagabihin ako ng uwi kasi may pinapatapos pa si engineer kaya bilin ko na mauna nalang siyang maghapunan baka magutom na siya kakaantay sa akin. Pero mas gusto niya daw na kasabay akong kumain kaya aantayin na lang daw ako para din may kasama akong kumain ng hapunan. Kaya pumayag nalang ako sa gusto niya.

Nay?!
Tawag ko ulit sa kanya. Para ipaalam na nandito nako..pagpasok ko kasi antahimik. Baka nasa kwarto lang nakatulog kakaantay sa akin. Puntahan ko nalang siya don pero bago pako makaakyat nahagip siya ng mga mata sa may kusina...nakahawak sa mesa at nakasapo ang isang kamay niya sa may puson niya. Agad ko naman binagsak ang bag ko sa may hagdanan at kumaripas takbo sa kinaroroonan niya.



Nay? Anong nangyari? Okey ka lang ba?
Kita ko kasi sa hitsura niya na namumutla na siya at nakapikit lang habang kagat niya ang kanyang labi. Kaya agad kong chineck buong katawan niya at nakita kong may tubig na tumutulo sa dalawa niyang hita.



Nay??? Are you okay??
Anong nararamdaman mo?
Tarantang tanong ko sakanya.


Manganganak na ata ako tay.
Sabi niya.


Manganganak kana?!
Ulit na tanong ko sakanya. Bigla kasi akong nakaramdam ng nerbyos nung sinabi niya yun. Kaya antagal nag sink in sa utak ko. Tumango lang siya bilang sagot sa akin.





San ka pupunta?!
Biglang pigil ng asawa ko sa akin. Kakaripas na sana ako ng takbo paakyat sa kwarto namin.



Kukunin ko lang gamit natin nay para madala na agad kita sa ospital!
Taranta ko pa ding sabi sakanya..magsasalita pa sana siya ng bigla ko ng hinablot kamay ko at tumakbo na sa taas para kunin nga yung gamit namin.



Hoy!!!! Deanmar?!!! Ano?! Hahayaan mo nalang akong nakatayo dito?! Ansakit sakit na nga ng tiyan ko!!!
bumalik naman agad  ako sa baba kung saan ko siya iniwang nakatayo. Paglapit ko sakanya agad naman niya akong binatukan.

Tarantado ka talaga!!! Hindi mo manlang inisip kalagayan ko dito! Inuuna mo pa yang nerbyos mo!
Agad naman akong napakamot sa batok ko habang nagsosorry sa kanya at inalalayan siyang makaupo sa sala. Bakit nga ba di ko naisip yun?😰





Sige na, kunin mo na ung gamit. Nasa ibabaw ng cabinet ha?! Yung susi ng pick up nilipat ko sa drawer. Pakibilisan deanmar! Dahil kanina pa sumasakit tiyan ko!!!!
Tumango agad ako at patakbo ulit na pumunta sa kwarto.








Relax ka nga tay! Madidisgrasya tayo sa gawa mo! Yung nerbyos mo na yan di yan makakatulong!
Reklamo ng asawa ko habang tinatahak na namin ang daan papuntang ospital. Sino ba naman kasi ang marerelax diba? Eh first time ko tong ma experienced. Ewan ko nga kay margarett pano niya napapanatili ang kanyang composure sa sitwasyon niya ngayon. Mas relax pa nga siya kesa sa akin eh.😅😂 Parang ako pa tuloy ang manganganak sa inaasta ko. Napailing nalang ako sa mga naiisip ko.
Ilang minuto pa ay nakarating na din kami sa ospital. Actually malapit lang naman talaga mga 20 minutes lang mula sa bahay namin etong ospital. Maya maya pay, pinasok na si margarett sa emergency room para sa mga detalye na kailangan nila bago siya dalhin sa delivery room.









Kahit ilang beses kong pakalmahin sarili ko..nakakaramdam pa din talaga ako ng kaba at nerbyos. Di ko alam kung pareho lang ba ang ibig sabihin nun?😅 basta yun na yun. Andito na ko ngayon sa labas ng delivery room. Pabalik balik lakad, himas sa batok, kagat labi, uupo, tatayo, nagdadasal, sasandal sa pader, nakatayo sa pintuan ng delivery room nag aabang na may lalabas mula sa loob. Lahat ng yan nagawa ko na kakaantay ng balita kung ano ng nangyari sa mag-iina ko don. Gusto ko sanang pumasok kaso pinagbawalan ako kanina ng nurse kaya eto ako ngayon aligaga dito sa labas. Di ko alam na ganito pala ang feeling, mixed emotions, nakakabaliw sobra!!!😰😣😖. Sobra pa sa manganganak! Haaaaiiist. Alam kong di makakatulong pagiging nerbyoso ko ngayon kaya pinakalma ko muna ang sarili ko. Umupo ako ulit at taimtim na nagdasal na sana okey lang mag iina ko at sana walang mangyaring masama sa kanila dahil unti unti na kong nakakaramdam ng trauma ngayon. Bumabalik nanaman yung nangyari nuon.😰😖😖😖 LORD PLEASE KEEP THEM SAFE PO!🙏😔 hindi ko po alam ang gagawin ko kung may mangyaring masama sa kanila. Ayaw ko na po maulit ang nakaraan...gagawin ko po ang lahat Lord, basta magiging okey lang po mag iina ko. Pagbigyan niyo na po ako.😭😭😭😭😭 please lang.
Napapaiyak nako dito sa kinalalagyan ko kasi isang oras ng nasa loob si margarett pero wala pa ding balita gang ngayon. Kaya kailangan kong maging matatag kasi kailangan nila ako. Kami kami lang ang nandito at wala akong balak ipaalam sa pamilya namin. Hindi na kailangan pang malaman nila! Kaya na namin to ng asawa ko! Pero di ko pa din mapigilang maiyak at mangamba sa sitwasyon nila. Sabi nga nila pag manganganak daw...... ang isang paa ay nasa hukay na.😭 wag naman sanang mangyari!!!











🏡👪MA-FAMILIA💑🏡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon