SINKWENTAY SAIS

2.4K 85 61
                                    

Good morning.......😊

Sabi ko sakanya sabay yakap mula sa likuran niya.

Pagkagising ko kasi nakita ko siyang nakatayo sa may veranda ng kwarto namin nakatanaw lang sa may dalampasigan.

Halata namang nagulat siya sa ginawa ko. Hahahaha.

Good morning too....

Walang gana niyang Sagot.


Kanina ka pa ba dito?

Tanong ko sakanya





Hindi naman.









Okey ka na ba?

Paniguradong tanong ko sakanya and this time pinaharap ko na siya sa akin.

Pero binigyan niya lang ako ng isang tipid na ngiti.

Ganun nalang din ginawa ko sakanya at sabay kaming humarap ulit sa dalampasigan.




Isang katahimikan agad ang dumaan sa amin.


Alangan akong magsalita..kasi di ko na din alam kung ano pa ang sasabihin ko sakanya.






Baka kasi gusto niya muna ng tahimik. Kaya hinayaan ko na...pero hindi pa din ako umalis sa tabi niya.







Hindi ka ba nagsisisi na ako ang napangasawa mo?

Biglang tanong niya at talagang nagulat ako don. Kaya tiningnan ko siya saglit at agad ko namang ibinalik ang tingin ko kung saan eto kanina.


Huminga muna ako ng malalim dahil alam kong part 2 pa to sa nangyari kagabi.

Di bale na...ang importante after ng mga confession nato malaya na kami sa mga nakaraan namin para naman makapamuhay na kami ng maayos at walang mga baggaged na dala dala ang bawat isa.


Hindi.

Prangkang sagot ko sakanya.


Bakit?



Kasi mahal na mahal na kita nung nagpakasal ako sayo at huli ko na din naman nalaman ang ginawa mo.

Siguro kong maaga kong nalaman agad yun, baka possible pa sigurong kinamuhian pa kita at baka hanggang ngayon hindi pa kita napapatawad.

Kaso, wala e nakaugat na dito sa puso ko ang pagmamahal ko sayo. Na kahit ilang beses ka pa sigurong magkakasala, papatawarin at tatanggapin pa din kita. Kasi mas, malaking porsyento ang pagmamahal ko sayo kesa sa mga pagkakamaling nagawa. Kasama na din naman kasi yun sa pagmamahal mo sa isang tao ang pagtanggap ng kamalian niya diba?

Isa pa? Mas pipiliin ko pa bang kamuhian ka e kasal na tayo at may mga anak na? Iinarte pa ba ako na parang virgin pa eh nakatatlo na nga tayo.....? Ha ha ha. It was too late para gawin ko pa yun. Ayaw ko isakripisyo ang karapatan ng mga anak kong magkaroon ng buong pamilya. Dahil lang sa personal issues natin.

Oo nung una, nagalit ako. Normal reaction lang naman siguro yun diba? Nasaktan ako ng taong pinagkatiwalaan ko ng matagal na panahon at inaakalang di niya kayang gawin yung bagay na yun sa akin pero nagawa niya pala. I felt betrayed at that time. Kaya di mo rin siguro ako masisisi sa nagawa ko sayo.

Biglang tumahimik....mga hampas lang ng hangin ang nararamdaman namin at hampas ng dagat ang naririnig namin sa mga oras na yun.

Bigla agad kaming naubusan ng sasabihin sa isat isa. As usual hinayaan ko lang na ganun kami for how many minutes.

🏡👪MA-FAMILIA💑🏡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon