Nagulat akong may biglang yumakap sa akin mula sa likuran ko at sinabihan ako ng HI BABE! sabay halik sa pisngi ko. Sa tono pa lang na yun alam ko ng siya yun.😥😰😨
Napapikit nalang ako sa ginawa niya dahil ayaw kong makita hitsura ng asawa ko. 😢
Hindi agad ako nakareact sa ginawa niya dahil nagulat talaga ako.
Nagulat nalang akong wala na si allen sa likuran ko nakita ko nalang siyang bumagsak na pala siya sa sahig at tinadyakan na ng asawa ko.
Mas lalo akong nagulat sa pangyayari.
Ni hindi ko nga sila naawat eh.
Nakatingin nalang ako sa asawa ko sa ginagawa niya.
Tumulo nalang mga luha ko sa mga binitawan niyang salita. Kahit kay allen niya yun sinabi pero alam kong kasama ako don na naka address.
Nasaktan ako ng sobra sa sinabi niya.
Mas lalo akong di nakagalaw sa kinakatayuan ko nung lumabas na siya at hindi man lang ako nilingon at iniwan niya akong mag isa.
Habang tinatanaw ko siya palabas, ibang ibang deanmar wong ang nakikita ko.
Nakita ko nanaman ang dating deanmar wong na suking suking sa kulungan dahil sa ibat ibang kaguluhan na kinakasangkutan.
Yung deanmar wong na walang pakialam sa ibang tao kung may masasaktan man o mapatay siya.
Natatakot akong ibabalik niya yung dating siya .
Hindi ko hahayaan mangyari yun......pero parang nagawa ko na nga eh😰😥😣
Agad naman akong natauhan nung hindi ko na siya natanaw agad ko naman siyang hinabol sa labas.
Pero hindi ko na agad siya nakita. Tinanong ko ang guard pero sabi nila nakasakay na daw ng taxi. Tinuro naman nila kung saang deriksyon pumunta yung taxi na sinakyan ni deanmar pero kahit sundan ko siya di ko na yun maabutan at hindi ko alam kung saan siya hahanapin.
I dialed his number pero out of coverage na. Alam niya sigurong tatawagan ko siya kaya inoff niya na siguro agad.
Wala akong nagawa.....naglakad nalang ako pabalik sa room namin.
Nag eexpect pa din ako na pagpasok ko mabungaran ko siya pero dilim lang ng paligid ang naabutan ko. Ibig sabihin never siyang pumunta dito kanina.
Nanghihina ako sa mga nangyari.
Di ko ineexpect na eto ang mangyayari sa honeymoon namin. Even our family hindi nila alam ang naging sitwasyon namin ngayon. Wala akong balak na sabihin din sakanila. Di ko lang kay deanmar kung may sinabihan siya sa family namin. Sana lang wala......kilala ko din naman siya di yun mahilig magshare sa iba...mas gustuhin nun na sarilinin niya nalang.
Pumasok na ako sa banyo. Naligo. Baka sakaling mabawasan ang stressed na nararamdaman ko ngayon.
Pagkatapos kong maligo nagbihis na ako....napapahinto naman ako sa ginagawa ko kasi sumasagi sa akin yung mga nangyari kanina. Isa pa nag alala nako sakanya baka kung mapano yun sa labas??? Wala pa naman kaming kakilala dito.😥😰😢
Taaay? Umuwi ka na please? Ayusin natin to. I will explain everything. 😢
Bago ko pa masuot ang damit ko pang itaas na loose shirt
Narinig ko namang may kumatok sa pinto.
Dali dali ko etong pinuntahan dahil baka lasing na ang asawa ko. Haaaaaysss Deanmar wong?! Pano tayo mag uusap nito?😣

BINABASA MO ANG
🏡👪MA-FAMILIA💑🏡
Romance"A FAMILY STICKS TOGETHER, STAYS TOGETHER" "BUILD A HAPPY AND SOLID FAMILY!"