Hi sayo!
Naaalala mo pa ba ako?
Ako. Ako na nakilala mo.
Ako na sinabihan mo ng mahal mo kahit hindi naman totoo.
Ako na umaasa sa mga pinaparamdam at sinasabi mo.
Sabi mo mahal mo 'ko, na ako ang buhay mo. Pero bakit parang ang dali lang palitan ang isang tulad ko diyan sa puso mo?
Ganun ba ang pagmamahal mo? Parang ballpen ko na kakabili ko lang at bigla nalang naglaho?
Saan napunta? Nabaling at napunta na ba sa iba?
Ay hindi pala "IBA". Dahil sa una palang siyang siya na. Siya talaga yung mahal mo kahit ako yung sinasabihan mo ng "I love you"
Ang sakit nu? Ahy! Hindi ko dapat yan itinatanong yan sayo, dahil ako lang yung nasaktan, hindi ikaw.
Hindi ko alam kung bakit ipinagpapatuloy ko pa ito. Dahil alam ko naman na ang katotohanan na kahit tapusin ko pa 'to ay wala pa ring magbabago.
Hindi na magbabago na siya talaga yung minahal mo at hindi ako.
Kung gaano mo kabilis nakuha ang loob ko, ganun din naman kabilis ang pag iwan mo sa akin na parang may turbo.
Ang sakit lang. Ang sakit sakit lang na ako, humawak sayo pero sa unang una palang pala, magkahawak na kayo.
Pero ganun talaga.
Sabi ko nga sayo,
"Mahirap talagang magmahal ang taong may tunay ng minamahal."
Pero salamat sa saya, sa sakit na pinadama mo. Kasi dahil sa mga iyan, natuto ako.
Sinimulan ko ito sa salitang "Hi" at gusto ko itong tapusin sa isang salitang "Goodbye"
-P.A
BINABASA MO ANG
POETRY ( compilation)
Poezie"isang daang tula challenge" start: March 18 2020 end: ?
