Alam mo ba,
Alam mo ba na mahal pa din kita?
Oo, tama ang iyong narinig,
Yun nga ang mga salitang aking isinambit
Mahal pa din kita.Ako man hindi ko maintindihan,
Hindi ko maintindihan,
Kung puso ko'y sa iyo tumitibok pa man.
O baka ito'y guni-guni ko lamang,
Pero hindi,
Habang tumatagal
Mas nagiging malinaw ang aking
mga nararamdaman,
Ang aking nararamdaman
Na dati'y walang kasiguraduhan
Na ngayo'y alam ko ng ikaw parin
ang laman.Minsan mas nanaisin ko nalang,
Mas nanaisin ko nalang na
hindi ko pa nalaman,
Na hindi ko pa nalaman na ikaw
pain ang puso ko'y laman.
Minsan akin ngang naitatanong,
Ano nga ba ang dahilan?Tuwing ako sa iyo'y titingin,
Di maiwasang kikirot ang aking damdamin.
Ang aking pusong dati ay puno ng pagmamahal,
Na ngayon ay puno na lamang ng
mga ala-ala natin.Mga ala-ala ng dating tayo,
Sa dating tayo
Sa dating tayo na masaya
Sa dating tayo na walang
ka proble-problema
At higit sa lahat,
Sa dating tayo na wala na,
Na hindi ko na maibabalik pa.Akala ko noong una magiging maayos din.
Magiging maayos din ang
pakikipagturingan natin,
Pagkatapos ng tuluyang paghihiwalay
ng tadhana sa atin,
Akala ko lamang pala,
Dahil sa tuwing ako'y lumalapit sa iyo
Hindi mo na ako pinupuna
Tinuturi mo na akong hangin kumbaga,
Ang sakit hindi ba?Pero siguro iyon ang tama,
Ako naman talaga ang nagkasala,
Ako ang nagbigay wakas sa ating dalawa.Ngunit,
Kahit ganyan na ang pakikitungo mo sa akin
Yang ganyan na parang nawala lahat ng pinagsamahan natin,
Nais kong marinig mong muli
Ang aking mga sasambitin,Mahal pa rin kita,
Mahal pa rin kita,
Mahal pa rin kita,
Kahit wala ng pag asa
Kahit puso mo'y di na akin pa-P.A
BINABASA MO ANG
POETRY ( compilation)
Поэзия"isang daang tula challenge" start: March 18 2020 end: ?