ps: Kung ayaw mo mag basa about sa same sex poetry skip mo nalang to.😊
--------
(Basahin pababa)
Mahal ko,
Wag ka sanang bumitaw sakin,
At kahit na bakla ako,
Lahat sila tanggap na tayo,
Hindi totoo na,
Wala tayong puwang sa mundo,
Para sakanila,
Pwede tayong mabuhay sa mundo,
Pwedeng si Juan ay para kay Juan,
Pwedeng si Pedro ay para kay Pedro.
Pwedeng si Adan ay para kay Adan
Akala ko,
Lahat sila ay kaaway tayo,
Lahat sila tingin satin ay kalaban.
Lahat sila ay ayaw maging ikaw at ako,
Lahat sila ay pabor kay Eva at Adan.
Pero hinde pala,
Kampi na silang lahat sa'tin,
Pantay na ang tingin nila sa'tin.
Pabor na sila sa'kin at sa'yo,
Mahal na nila tayo.
Nalungkot ako kasi akala ko,
Baka maghiwalay tayo,
Kasi magulo na, baka ayaw mona.
Baka bawal tayong magsama,
Kasi ang katulad ko, bawal sa bibliya.
Baka di tayo para sa isa't isa,
Kasi bakla ako, lalake ka,
Ang daming "baka" at "kasi" sa utak ko.
Kahit ganto,
Mahal na mahal mo parin ako,
Salamat, mahal ko.
(Basahin pataas)-P.A
------
ChinikO yan na po req mo na gawan ng poetry😊 Challenge accepted.😊 ganda ng Lovestory mo Thanks sa pag share mo😊
BINABASA MO ANG
POETRY ( compilation)
Poetry"isang daang tula challenge" start: March 18 2020 end: ?