S.W.P - 50 "ANG MALA-TITANIC NATING LOVE STORY

40 4 2
                                    

Sa istorya ng pag-ibig nating dalawa,
na mala-Titanic kung ating ikukumpara.
Ako ang nagsisilbing Jack ng buhay mo,
at ikaw naman ang Rose na magbibigay kulay sa aking mundo.

Sa love story natin na parang bapor tabo,
Ako ang nasa ilalim at ikaw ang nasa itaas.
Sa madaling salita,
Ikaw ay isang anak mayaman,
at ako ay isang dukha lamang.
Dukha, na kailanman ay hindi para sa isang mayaman.

Sa bawat nakaw na sandaling tayo ay magkasama,
wala tayong ibang nagagawa kundi ang magtago,
dahil natatakot tayong husgahan.
Alam mo yung pakiramdam na mukha tayong kriminal?
Yung tipong palaging nagtatago dahil baka tayo mahuli ng mga matang mapanghusga.
Ang sakit, sobrang sakit!
Ang sakit na hindi kita makuhang yakapin sa harap ng maraming tao.
Hindi ko kayang hawakan ang iyong kamay sa publiko.
Hindi kita mahahalikan at
Hindi ko masasabing mahal na mahal na mahal kita.
At hindi rin natin kayang ipagsigawaan sa buong mundo ang mga katagang,
"Mahal ko siya at ako lang ang mahal niya."

Ngunit kahit ganoon pa man,
nakuha nating lumaban,
at ipaglaban ang ating nararamdaman.
Nagawa nating ipagsigawan
Na tayong dalawa ay nagmamahalan.
At kasabay nito ang pagtutol ng karamihan,
na kahit kunting pansin ay hindi natin binigyan.

Sabay tayong pumunta sa dulo ng barko.
Sinabi ko sayo,
"Inunat mo ang iyong mga kamay at sabay mong ipikit ang mga mata mo."
At wala kang pag-aatubiling sundin ang sinabi ko.
Na nangangahulugang buo ang pagtitiwala mo.
Kaya't yinakap kita mula sa likod mo,
at binuhat sa mas mataas pa na parte ng barko.
Hinawakan ko ang dalawang kamay mo
At sinabi ko sa iyo,
"Buksan mo na ang mga mata mo."
At sabay natin nakita ang buong mundo.
Na para tayong lumilipad tulad ng mga puting ibon na sumasabay sa ihip ng hangin sa isang punto.

Sabay nating hinarap ang mundo,
na sa bawat pag-usad ng barko
tayo ay nagsumpaang magsasama hanggang dulo.
Na kahit anong balakid ang ating daraanan,
walang susuko at walang mang-iiwan.

At unti-unti nating nalalagpasan bawat ice berg ng ating buhay.
Kahit gaano kalaki ay nakuha nating wasakin at puksain.
Ngunit dumating ang pinakamalaki at pinakamahirap na pagsubok sa ating paglalakbay.
Na siyang nagdulot nang pagkawasak ng barkong ating kinaroroonan.
At sabay na bumagsak sa tubig ng malawak na karagatan.
At habang tumatagal,
Nagkataong nanlamig na ang ating relasyon.
Hirap na hirap na tayong dalawa.
Na nararapat na nating tapusin ang ating pagsasama.
Na sa sobrang lamig ay hindi ko na kinaya at wala na akong nagawa kundi ang bitawan ka.
Na mas piliing i-let go ka,
Para hindi ka na masaktan ng sobra.
Masakit ang pakawalan ka.
Oo, masakit ang pakawalan ka.
Pero mas masakit pag piliin kong lumaban pa.

Ramdam ko ang pagbitaw ng mga kamay ko sa mga kamay mo.
Bawat luha ko'y pinipilit na itago.
Habang ako ay papalayo,
hangga't di mo na matanaw kahit na ang aking anino.

Wala na, tapos na.
Nararapat lang na ating tanggapin,
Na hindi ako ang para sa iyo
At hindi ikaw ang para sa akin.
Na hindi ako bagay sa mundo mo,
At hindi ka rin bagay sa aking mundo.
Na kahit gaano kalaki ang ating pagmamahal sa isa't isa,
hindi ito sapat para tayo ay maging iisa.
Na kahit ipaglaban pa natin,
Ay hindi na kaya pang ayusin.
Na kahit mahal na mahal kita
at mahal na mahal mo ako,
hindi na tayo makakabuo ng love story na may 'Ikaw at Ako'
Sa madaling salita,
Hindi tayo para sa isa't isa.
Ayokong magsalita ng tapos,
Pero baka sa huli doon din tayo matapos.

"Salamat"
yan ang katagang gusto kong sabihin sa iyo.
Dahil kahit na bumitaw ako,
kahit na wala na ako,
at iniwan ko ang isang tulad mo,
patuloy mong sinisigaw na,
"Minahal mo ang isang tulad ko."
at handa rin akong ipagsigawan sa buong mundo na, "Minahal kita nang higit pa sa inakala mo."
Sadyang hindi lang talaga tayo ang nakatadhana na magsama hanggang dulo.

-P.A

POETRY ( compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon