Sa kanya
Wala kang halaga
Kung iniisip mong
Nakalimutan niya na
Ang bawat pagkakamali mo
At
Pinatawad ka na niya
Mag-isip-isip ka !
Kinamumuhian
ka niya
Hindi
Ka pa rin niya
Minahal
- Oo
Nakakapagod na
Paulit-ulit
Paikot-ikot
Nakakarindi
Nakakasawa
Nakakapanlumo
na
Darating
Sa puntong
Pigang-piga na siya
Tama
na ikay inilagay sa pedestal
Dahan-dahan
Isusuko
Ka niya
Hindi
Ito
Isang ilusyon lamang
At
Imahinasyon
hindi
Iaalay
Sayong'
Buo
Ang kaniyang buhay
Kung iniisip mong
Nariyan lang siya
Hindi
Maniwala ka
Oo nga
Iyon ang totoo
Mapapako ang kanyang mga pangako
Hindi
Ka niya
Ipinaglaban
At
Ipaglalaban
Nag-iisa
ka
Hindi
Siya
Namatay
Para sayo
Ang Diyos na maykapal,
Sasagipin ka niya
Ngunit
Na-puno ng galit at kasakiman
Ng mundo
Tinalikuran
At
Binitawan ka na.
Dito ka lang hindi nagkamali.
Dito lang!
(Read backwards)
-P.A
BINABASA MO ANG
POETRY ( compilation)
Poesia"isang daang tula challenge" start: March 18 2020 end: ?
