Short Poetry - 40 "RAMDAM KO"

19 4 0
                                    

Ramdam ko ang kalungkutan,
Sa mga mata puro katanungan.
Masyadong naging malupit sayo ang mundo,
Kaya sa murang edad ika’y natuto.

Nabuksan ang mata sa karahasan,
Ang kaguluhan ay naging sandalan.
Dilim ang naging tagpuan,
Ng mga luhang sa liwanag ay di masulyapan.

Ramdam ko na malapit ka ng sumuko,
Siguro sa puntong ito ikaw ay nalilito.
Pasensya kung wala akong magawa kundi ang mag payo,
Kasi maging ako ramdam ko ang pagkalabo ng mundo.

POETRY ( compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon