(basahin pababa)Ang tunay na lalake
Dapat maraming babae
Kaya mali ang pananaw mo na,
Dapat marunong kang rumespeto ng babae
Kasi sa mundong ginagalawan mo pre
Kailangan nagalaw mo'y lagpas bente
Kaya wag mong isipin na
Dapat sa altar sila dinadala
Ang kailangan sa kanila
Sa kama ibalandra
At wag na wag silang pagtatangkaang
Galangin mo silang lubusan
Dahil kung tunay ka ngang matatawag na Adan
Alamin mo kung paano ba dapat siya hubaran
Kaya ang iba ay wag mong tularan
Wag mo silang pahalagahan
Mali ang pananaw nila na,
Ang tunay na Adan ay isa lang ang Eba
Sana pare makinig ka
Babuyin, wasakin, paluhain mo sila
Kasi hindi tama na
Tratuhin mo silang prinsesa
Ito ang dapat sakanila
-
(Basahin pataas)-P.A
BINABASA MO ANG
POETRY ( compilation)
Poetry"isang daang tula challenge" start: March 18 2020 end: ?