Spoken Word Poetry - 26 "ONE SIDED LOVE"

22 4 0
                                    

Bakit may mga taong nasasaktan ?
Sa pagibig na ating pinapasukan
Mali bang magmahal ng lubusan?
Kung ito'y ating ipaglalaban

Pero bakit kung sino pang lumalaban?
Ay siya pang nasasaktan
Nasasaktan sya ng lubusan
Dahil magisa lang syang lumalaban.

One sided love kung tawagin ng iba
Sa salitang ito alam mong may kakaiba
Yung may nararamdaman ka sa kanya
Pero siya Ay wala pala

Umaasa ka sa pinapakita nya
Kahit alam mong ganun siya
Ganun sya sa lahat ng nakikilala nya
Mali ka lang ng hinala sa kanya

Masakit lang na makita na umaasa ka
Masakit lang dahil wala naman talaga
Wala naman talagang siya
Dahil sainyong dalawa ikaw lang ang may nararamdaman sa kanya .

Lahat naman tayo nakakaranas ng ganyang suliranin
Pero kung ako sayo pagibig sa kanya'y papaliparin
Upang sakit Ay mawala na rin
At di na muling luluha pa sa hangin.

-P.A

----

Ps: Thanks sa mga nag req na ma sulat pa ko ng spoken poetry Tenkyu😊

POETRY ( compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon