Reverse Poetry - 42 "SALITANG TAYO"

19 4 0
                                    

(Basahin pababa)
Sa salitang tayo
Kailangang kumapit
Hindi
Dapat bumitaw
Ipaglaban
Hindi
Dapat sumuko
Maraming pagsubok
Ngunit
Dapat walang iwanan
Naging Tapat
Hindi
Nagkulang
Sinayang mo lang
Pero
Binigyan ka ng isa pang pagkakataon
Katangahan na
Dahil paulit ulit na lang
Pero
Para sayo wala akong pakialam
Mga kasalanan sa akin
Kayang patawarin
Dahil mahal kita
Hindi
Kayang mawala ka
Kasiyahan
Hindi
Kalungkutan
Ang mananatili
Kung hahayaan kong magtagal pa tayo
(Basahin pataas)

-P.A

POETRY ( compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon