Spoken Word Poetry - 27 "NATAUHAN / BREAK UP"

17 3 0
                                    

Hindi ko ginusto na makipag hiwalay sayo
Huwag mong sabihin na " ang hina mo!"
"bakit di ka lumaban?!" " bakit basta basta ka na lang bibitaw?"

Inisip mo ba kung ano ano pang proseso ang pinag daanan ko bago ako umayaw?

Mga luhang pumapatak sa aking mata at tinatanong ng paulit ulit ang sarili na kaya pa ba?

Kaya mo pa ba?! Bakit ka umiiyak?

Pumikit ako at sinabing "Mahal kita pero tama na"

Sabi ko sa isip ko pag dilat ko aalisin ko na ang lahat ng sakit.

Dumilat ako ng bahagya. Naaninag kita. Mas masakit ng makita kong masaya ka okay kana.

Ipipikit ko ulit ang aking mata at hihilingin na sana di na muling dumilat pa

Bakit nagawa mong ulitin saakin yang ginagawa niya noon saakin doble yung sakit na naramdaman ko!

Hindi mo ako pinahalagahan.
Lubos! yan ang salitang ibinigay ko sayo. Minahal kita ng lubos. Inintindi kita ng lubos.

Kumapit ako ng lubos pero sa dulo pa rin ay kinapos. Kapos. Kulang. Siguro ay hindi pa sapat o sadyang hindi ako ang dapat pero sana naman mahal palayain mo na ako oh..

Palayain mo na ko sa saya, sa alaala, sa mga halik, sa bisig mong kinulong ako ng bawat yakap.

Palayain mo na ako, sa bawat sakit, sa luha, sa galit, sa mga binuo nating pangarap. Palayain mo na ako?

Ako? Oo ako kahit nasakin mismo ang susi ayokong ilusot at iikot para matapos ang lahat.

Oo gusto ko ikaw. Ikaw ang tumapos ng lahat. Ayokong nakikita kang nasasaktan at nahihirapan. Palayain mo na ako please lang.

Oo ikaw ang gusto kong tumapos ng lahat para naman matanggap mo na tapos na ang satin.

Mahal? Patawarin mo ako kung wala na kong tiwala sa iyo 
Kung mahal mo akong totoo, hindi mo ako sasaktan ng ganito.

-P.A

-------
  Xyna Mae 😊😊 Bandaid😲 ada na ohh 😊

POETRY ( compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon