P.S kung ayaw mong mainis wag mong basahin pababa. 😅
(Basahin pababa)
Ikaw? handa ka na ba?
Hindi na tayo makakaligtas
Kalimutan mo nang,
Mayroong Diyos na Tagapagligtas
Dahil ito na ang oras na kinatatakutan ng lahat
Manalig ka,
Kalimutan at kamuhian mo sya
Kahit pa
Manalangin ng mataimtim
Sabay sabay tayong
Magdiwang dahil ito na ang paghuhukom
Huwag na huwag kang
Magtiwala sakanya
Dapat tayong
Maghanda sa lahat ng ating mga kasalanang nagawa
Gumising ka at
Magpakatotoo
Kausapin mo sya at
Sabihin mo lahat ng negatibo patungkol sakanya
Dahil anak ka nya. Kahit pa
Baliwalain mo sya
Maling mali na isipin mong
Maaasahan mo sya
Tandaan mo
Hindi, dahil sya ang may likha
Alisin ang pagdududa
Hindi pa ito ang wakas, kaya't
Maniwala ka at sasabihin ko sayo
Kahit sino ka pa
Ito lang tayo, palaging nasa ibaba
Itigil mo na ang kaiisip mong
May gumagabay at umaalalay sayo
Dahil ito ang totoo
Tatalikuran ka lang nya
Mali ang iniisip mong
Pasalamatan, itaas at purihin sya
Dahil ito ang karapatdapat para sakanya
Kalimutan, talikuran at *kamuhian sya
Isang malaking katangahan ang
Ating paniniwala
Tunay ngang sagrado ang
Makilala sya ng bawat isa
Nawa'y
Matapos na to.
Ang delubyong nayayari sa aming mundo, sana'y
Maging gamot ka, sa mundo naming sugatan na
Panginoong, Diyos, Ama
Hindi pa ako handa.(Basahin pataas)
-P.A
KEEP SAFE FROM NCOV, COVID-19 😇
BINABASA MO ANG
POETRY ( compilation)
Poetry"isang daang tula challenge" start: March 18 2020 end: ?