Spoken Word Poetry - MATEMATIKA

21 3 0
                                    

Kagaya na lamang ng ating pagiibigan na nagkaroon ng hindi pag kakaunawaan 

Noon YOU + ME = FOREVER na ang ating pagmamahalan 
Ngaun YOU + ME = SYNTAX ERROR na ang kinalabasan.

Ako ba ang nag kulang at nagawa mo akong ISUBTITUTE sa kanya?
Akala koy para kang FUNCTION ONE is to one
Di ko akalaing para ka palang RELATION one is to many 
INADD kita sa buhay kong tahimik at mapayapa
Nag MUMULTIPLY ang saya na aking nadarama sa tuwing ikay aking kasama.

Ngunit dumating ang araw na MININUS mo lang ako sa buhay mo noong ikaw hindi na masaya kaya't na DIVIDE ang puso ko dahil ikay sawa na.hindi ko alam kong anong gagawin ko maging ang FORMULA para masolusyonan ito.

Anong SIGN ang aking gagamitin?
Ang POSITIVE ba na lumalaban pa o ang NEGATIVE na sumusuko na?

Ibat ibang METHOD aking ginamit upang malaman kong san ako nag kamali
Dahil ang pag ibig mo sakiy parang FRACTION palaging may kahati,
Palaging may kaagaw.

Gumamit ako ng CALCULATOR na nagbabakasalingmali lamang ang FINAL ANSWER mo CHinECK ko ang SOLUTION mo sa relasyong pagtatapos ang nais mong matamo.

Bakit ka agad sumuko?

Yan ang tanong ko.kahit na alam kong masasaktan lamang ako sa sagot mo.

Gumamit rin ako ng RULER upang mapantay ang ating pagmamahalan.

Dahil sa pag ibig dapat EQUAL
dapat parehong nagmamahalan.

Hindi MORETHAN O maging LESSTHAN.

Mahirap mang tanggapin ngunit alam kong paglisan ang iyong pipiliin.
Sapat na ang sakit na aking naramdaman sa iyong naging desisyon.
Dahil sa tingin koy ito na ang wakas ng pag mamahalan natin!




POETRY ( compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon