Spoken Word Poetry - 47 "MULTO"

24 4 0
                                    

Naniniwala ka ba sa multo?
Sila yung mabisang panakot sa'yo
Nung bata ka pa naalala mo?
Yung tipong sasabihin pa lang nila papakaripas ka na ng takbo
Kakapit ka ma agad sa bisig ng mama o kaya tatay mo
Yung papalakad ka pa lang palalayo
At papasok na sa madilim na mundo
Tapos bigla na lang isisigaw sa'yo
"May multo"
Syempre ikaw ano pa ba ang gagawin mo
Dali dali kang babalik sa pinanggalingan mo
Sa kalinga ng mga taong totoong nagmamahal sa'yo
Oo aaminin ko noon naniniwala din ako
Eh kayo ? nabiktima rin ba kayo ? 
Pero ngayon ibang "multo" napinaniniwalaan ko 
Yung multo na kung tawagin nila ay "Multo ng Kahapon"
Mga bagay na bumabalik sa'yo mula sa nakaraan
Mga pagsubok na hindi mo nalampasan
Mga pagkakataong nagsayang
Mga ala ala ng kahapon na ayaw mo ng balikan
Mga ala ala ng pagkamuhi,sawi at kalungkutan
Mga desisyong pinagsisihan
taong dapat di pinagkatiwalaan
Mga taong kinaibigan ngunit sa huli ika'y iiwan
Mga taong pinaglaanan mo ng panahon ngunit binaliwala ka lamang
Minsan naiisip mo na kung pwede bumalik sa umpisa
Upang sa gayo'y ang mali ay itama
O kaya magkaroon na lang ng amnesia
Para kahit papano babura na sa hinuha
Mga ala alang mistulang multo at tinatakot ka 
Yung tipong gusto mo ng maglakad papalayo ngunit nagdadalawang isip ka
Yung handa ka ng tahakin ang kadiliman ng mundo para marating ang liwanag kaso natitigilan ka
Alam mo kaibigan sa paglipas ng panahon ito ang aking natutunan
Tulad ng totoong multo kaylangan mo ng pakayapaan.
Wag kang panghinaan
Mamuhay ka na kasama sila
"Live with the pain" ika nga
Bumalik ka sa kalinga ng mga taong tunay na nagmamahal sa'yo.
Ito ang multo ko
Anong sa'yo?

-P.A

-----

  thaks for the idea and title Ms. Conda.😊

POETRY ( compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon