Reverse Poetry - 49 "AYOS LANG AKO KAIBIGAN KAHIT DI NAMAN TOTOO"

39 4 0
                                    


Ayos lang ako kaibigan.
Nagkakamali ka kung inaakala mong
Pagod na'kong masaktan!
Dahil sa totoo lang
Makakaya ko pa 'tong lampasan.
Kaya sumalungat ka sa paniniwalang
Gusto ko nang sumuko sa buhay,
Dahil ang tunay ay
Kaya ko pang bumangon,
Hindi totoong
Nilamon na'ko ng depresyon
Dahil
Lilipas din 'tong hapdi ng kahapon,
Kaya huwag mo sanang iisiping
Ang kalungkuta'y di na magwawakas.
Pagkat alam kong
May darating pang bukas,
Kaya ibabasura ko na ang paniniwalang
Wala akong silbi.
Pakiramdam ko kasi ngayon
Marami ang saki'y kumakandili.
Nagkamali ako sa pag-aakalang
Wala akong karamay,
Dahil ang totoo ay
Marami akong kaibigang tunay
Hindi naman kasi totoong
Wala ng saysay itong buhay
Dahil mas pinaramdam nilang
Meron pa'kong pag-asa.
Huwag sanang sumagi sa isip mong
Hindi ko na kaya
Dahil ang totoo
Ayoko ng magpanggap pa.

(👆BASAHIN PATAAS👆)

-P.A

POETRY ( compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon