Heto Ako Lagi Sa Tabi Mo
Nag Aabang Na Sana Pansinin Mo
Umaasa Na Tumabi Ka Sa Tabi Ko
At Laging Bubuo Ng Araw Ko
Hanggang Dito Lang Siguro Ako
Isang Kaibigan, Kaibigan Na
Nabubuhay Lang Pag Iyong Kailangan
Naaalala Mo Pa Ba?
Noong Sinabi Ko Sayong Mahal Kita
Diba Bigla Kang Natawa
At Sabi Mo Pa Nga Nag Bibiro Ka Ba?
Nag Lakas Loob Akong Magsalita
Pero Ito Ay Iyong Binalewala
At Sakit Saakin Yun Alam Mo Ba?
Naaalala Mo Pa Ba?
Noong Iniwanan Ka Niya
Diba Umiyak Ka
At Heto Ako Dinamayan Ka
Diba Akong Dumamay Sayo?
Sa Mga Luha, Sa Mga Sakit
Mata Ko Nalang Ay Ipinikit
Habang Ika'y Nakayakap Saakin Ng Mahigpit
Dahil Ayokong Makita Ang Sakit
Na Iyong Sinapit
Naaalala Mo Pa Ba?
Noong Mga Araw Na Pinasaya Kita
Mga Araw Na Hindi Ka Lumuha
Mga Araw Na Kinalimutan Mo Ang
Mga Sakit Na Ibinigay Niya
Naaalala Mo Pa Ba?
Noong Sinabi Kong Mabuti Naman Ok Kana
Hindi Ko Inaasahan Ang Sagot Mo Saakin Na
Pasesiya Kana Ha
At May Tumulong Luha Sa Aking Mata
Dahil Sa Sinabi Mong Binalikan Mo Na Siya
Pagka Bigla, Tulala At Biglang Lumuha
Ito Ang Mga Naramdaman Ko
At Pagkatapos Ay Linisan Mo Na Ako
Ako Ba Ay Sobrang Nag Hangad
Na Sa Piling Ko Ika'y Lumapag
Isa Lang Naman Ang Gusto Ko
Yung Mahalin Mo Naman Ang Isang Tulad Ko
Pero Hayaan Mo
Pag Katapos Ng Tulang Ito
Wala Namang Mag Babago
Andito Parin Ako
Umaasang Matutunang Mahalin
Ang Isang Tulad Ko.-P.A
minsan napapaisip ako kung gagawa pa ba ako ng spoken poetry or puro Reverse nalang gagawan ko.😣 Every time na nakikita ko na sniskip lang nila ang mga spoken at puro lang reverse ang pinapansin.. Parang positive mga Spoken ko Sa NCOV ahh Kaya di pinapansin.😦
BINABASA MO ANG
POETRY ( compilation)
Poetry"isang daang tula challenge" start: March 18 2020 end: ?