Short Poetry - 35 "IMAHINASYON"

28 3 0
                                    

Halika't tayo'y magtutungo sa hinaharap
Ipikit ang mata at saki'y humawak
Ihanda ang sarili at atin nang sisimulan
Ang paglalakbay tungo sa kinabukasan

Isipin mo ang mga mangyayari sa hinaharap
Ang mga magagandang pangyayaring nais mong maganap
Nasa kasalukuya'y hindi mo malalasap
Pagkat ito isa palang pangarap

Isipin mong ang mga pangarap mo'y iyo ng natupad
Ikay nakapagtapos at sa negosyo'y pinalad
Nagkaroon ng pamilya at naging maunlad
natupad na lahat ng iyong hinahangad

hindi ba't kay sarap sa pakiramdam
Kapag ang mga pangarap ay ating nang nakamtan
At ang ating mga hiling ay nagroon na ng kasagutan
Na kahit na sa ngayo'y isang imahinasyon pa lamang

Sa ngayo'y patuloy lang tayong mangarap
Gawing inspirasyon ang mga nais sa hinaharap
Sa kasalukuya'y tayo'y magsumikap
Sapagkat ang kasalukuyan ang magdidikta ng ating hinaharap.

-P.A

POETRY ( compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon