Matagal na panahon na
Naaalala mo pa ba?
Lahat ng mga alaala?
Kasi ako? Oo. Naaalala ko pa
Sariwang sariwa pa.Simula sa mga panahong ang lahat ay ayos pa.
Hanggang sa naging malabo na.
At natapos sa "Ayoko na"
Naaalala ko pa.Yung sakit, na hanggang ngayo'y pinapatay parin ako.
Mga alaalang dumudurog sa puso ko.
Mga matatamis mong ngiting minsang kinaadikan ko.
Umaasa paring mababalik sa lahat at magiging masaya tayo.Pero ikaw lang ang masaya.
Dahil ako, hanggang ngayon durog na durog pa.
Gabi gabing lumuluha
Pinapatay ng katotohanang wala ng pag asa.Nananatili parin ang nag iisang katanungan
Na tumatak na sa aking isipan
At hanggang ngayo'y naiiwang walang kasagutan
Bakit mo ko iniwan?Gusto mong hanapin ang sarili mo
Yan ang dahilang lumabas sa mga labi mo
Masakit man, pero para sayo
Lumayo ako.Kinimkim ko lahat.
Hindi ko nagawang magalit
Kahit dito sa loob loob ko sobrang sakit
Mga luhang kasing pait ng aking sinapitPero nanatili ako.
Minahal parin kita, dahil yun ang gusto ko.
Naniwala parin ako sa mga pangakong binitawan mo.
Gusto ko nandito ako para sa oras na kailangan mo, ay nandito lang ako.Pero sa araw na iyon,
Sa 'di inaasahang pagkakataon
Naging masaya muli ang mga labi ko
Muling nasilayan ang mga ngiti moPero sa pangalawang pagkakataon,
Pinatay ako ng sariling mga mata ko
Mga nasilayang gusto kong ibaon
Kusang tumulo ang likido nito at ako'y napako.Ang kamay mo.
At ang kamay niya.Mga palitan niyo ng ngitian.
At masasayang tawanan.Pinatay mo ko.
Pinatay mo ang puso ko
Minahal kitaBinuo kita,
Nung mga panahong mata mo'y lumuluha.
Nanatili ako sa tabi mo,
Sa sinabi mong kailangan mo ako
Pinasaya kita,
Dahil ngiti mo lang ay sapat na
Minahal kita,
Pero bakit ganto?Pakiusap, tama na.
Matagal mo na kong pinaniniwala
Na totoo ang lahat at may pag asa.
Pinaniwalang mahal mo 'kong talaga
Pinaniwalang magtatagal tayong dalawa
Pinaniwalang balang araw ay maibabalik pa
Pinaniwalang ako'y mahal mo pa
Pero tangina, tama na.Minahal kita
Pero anong sinukli mo?
Sinira mo ang mundong minsa'y umikot na sayo.-P.A
BINABASA MO ANG
POETRY ( compilation)
Poetry"isang daang tula challenge" start: March 18 2020 end: ?