Huwag mong isiping-
Totoong mahal kita,
Na lalaban pa ako,
Na kakayanin ko pa.
Maniwala ka,
Na bibitawan na kita,
Na iiwan na kita.
Sobrang pagod na ako!
Hindi totoong-
Masaya ako dahil sa'yo.
Gusto kong malaman mo,
Na wala kang kwenta!
Na hindi na kita gustong makita.
Hindi na kita iisipin.
Hindi! totoo na-
Hindi ko na kailangan ang tulad mo!
Wag kang maniwalang-
Hindi kita iiwan.(basahin pataas)
-P.A
BINABASA MO ANG
POETRY ( compilation)
Поэзия"isang daang tula challenge" start: March 18 2020 end: ?