Spoken poetry - 16 "I LOVE YOU BUT I LET YOU GO"

38 3 0
                                    

Mahal mo ako pero niloloko mo ako 
Mahal mo ako pero pinaglalaruan mo ako 
Mahal mo ako pero ginagago mo ako 
Mahal mo ako pero pinapabayaan mo ako 
Kung yan ang paraan ng pagmamahal mo , mahal kita pero nasasaktan na ako 
Mahal kita pero pagod na ako 
Mahal kita pero sagad na ako 
Mahal kita pero nasasakal na ako 
Mahal kita pero tama na kasi masakit na 
Masakit na kasi sobra na Ang paraan ng pagmamahal mo

Lagi nalang ganito 
Pag gising sa umaga ganitong ganito 
Kay gulo 
Ng isip mo at isip ko 
Na para bang wala sa sarili kasi puro sarili mo lang ang iniisip mo 
Hay nako bakit pa napasok ko pa ito 
Walang hinto 
Ang pagdududa at pananakit mo 
Pananakit na gamit ang matutulis mong dila 
Na para bang lahat ng lumalabas dyan ay puro panghihinala 
Panghihinala na dala lang sa sariling ginagawa 
Pinapasa lang sa akin para ako ang magmukhang masama 
Pinangakuhan mo pa ako ng kasal 
Eh puro ka nga lang usal 
Akoy sakal Sakal na sakal na sa mga pangako mo na lahat naman napako at kahit isa don walang nagkatotoo 
Ako lang ang iyong inuto 
Ako naman tong tangang naniwala sayo 
Ako naman tong martir na okay lang kahit saktan mo ako 
Ako naman tong gaga na sige lang ipagpatuloy mo 
At ako naman tong babae na kahit nahihirapan na pinapatuloy parin ang buhay para sayo

Oo ganyan kita minahal 
Ganyan kita pinahalagahan 
Ganyan kita inunawa 
Ganyan kita pinagbigyan 
At ganito kita papalayain

Papalayain na kita sa mga kamay ko na akoY lang ang kumapit 
Papalayain na kita sa mga bisig ko na ako lang yumakap ng mahigpit 
Papalayain na kita sa pagmamahal ko na ako lang ang nagpilit 
At papalayain na kita tulad ng gusto mong makamit.

-P.A

Xyna Request mo po 😊😊 Thanks sa Title.😊

POETRY ( compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon