Spoken Word Poetry - 25 "PUSANG BULAG"

24 4 0
                                        


Mali ba?
Ang mahalin ang isang tulad mong
May mahal nang iba
Saan banda?
Ituro mo nga sa'kin nang matauhan na
Kahit 'wag na pala wala din namang k'wenta
Dahil sa puso ko ika'y nag-iisa 
KAHIT NA ALAM KONG SA PUSO MO 
SIYA LANG TALAGA

Kakalimutan na ba? 
'Yong kahapong kasama ka 
Kahit na gawa-gawa ko lang 'yong tayong 'dalwa
Kahit ako lang ang may alam na may tayo pala?
Akala ko kasi talaga, akala lang pala
Binigyan ko nang dahilan mga tingin ng 'yong mga mata
Umasa ang puso sa matatamis na salita—
MATAMIS NA NGAYO'Y ISANG MAPAIT 
NA LANG NA ALAALA

Hihinto na ba? 
Porke't may kayo na 
Wala na 'kong karapatang gustuhin ka
Hindi ko kaya
Pwede naman kasi na
Habang mahal mo siya, mamahalin din kita 
Hayaan mo lang akong 'ganto, hanggang sa magsawa—MAGSAWANG MAHALIN ANG TULAD MONG NI MINSAN 'DI AKO NAKITA

Kasalanan ba?
Ang ibigin ka kahit
May siya na
Kahit kapit ka na niya?
Hindi ko makita
Ang sinasabi mong kalimutan ka
Dahil maging ang puso ko nabulag na—
NABULAG NA SA KAKA-ASANG TAYO'Y MAGING ISA

Mali ba? 
Kakalimutan na ba? 
Hihinto na ba? 
Kasalanan ba?
Hindi 
Kailan ba naging mali ang magmahal? 
Hindi naman kita sa kanya aagawin 
Hindi naman kita sa kanya gagapangin 
Hindi naman kita guguluhin 
Mamahalin lang kita ng palihim.
Hindi
'Ko pa kayang kalimutan ka
Hanggat ikaw pa 
Hanggat wala pang iba sa puso ko
Kahit may minamahal ka na 
Kahit mayroon nang laman ang puso mo
Mamahalin pa rin kita.
Hindi naman kasi mahalaga 
Malaman mo itong nadarama
Siguro nga ito ang inukit ng tadhana 
ANG TINGNAN KA LANG NA NAKANGITI KASAMA SIYA.

Sa pamamahal kasi, hindi naman 'matik' na 
Kung mahal mo siya
Dapat mahal ka din niya
Kung gusto mo siya
Dapat gusto ka din niya
Maling taktika, tadhana na ang tawag 
Kung ang nilalandi mo ay walang nilalanding iba
Kung ang crush mo ay crush ka 
Kung ang gusto mo ay gusto ka
Kung ang mahal mo ay mahal ka.
Kaya hihinto lang ako, kung kaya ko na 
Tingnan ang larawan mo nang 'di lumuluha 
Hihinto lang ako kung masaya na talaga 
'Yung totoong saya, 'yung totoong tawa
'Yung hindi peke, 'yung hindi kunwari.
Alam kong mangyayari 'yon

Sa ngayon, magpapakabulag muna
Magpapakatanga
Magpaparaya 
Hanggang dumating na lang ang araw na
Wala na 
Tapos na 
Malaya na—
MALAYA NA 'KO MAGMAHAL AT HINDI NA IKAW NA-ALALA.

- P.A

-------
   ito na ang last na ginawa ko na spoken word poetry. Di nako ako gagawa alam Ko naman kasi na nauumay nakayO sa kadramahan ko.... next update Lahat reverse or short poem nalang.. Di ko pa tapos ang magical Poetry mahirap kasi Tatlong tula sa isang pyesa lang 😅 but i'll try my best para matapos yun.😊

POETRY ( compilation)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon