Reverse Poetry - 37 "SNGLNG"

16 4 0
                                    

Mahal

Totoong mahal mo ako

Akala ko nung una,

Hindi totoo

Mali ako

Hindi

Ako

Naniwala

Nang sinabi mo,

"Sayo lang ako"

Bawat sulat na puno ng pagmamahal

Bawat "good morning" text

Bawat pangako na di mapapako

Sa bawat joke na dahilan ng pagtawa ko

Sa bawat masayang araw na kasama ako,

Sa bawat kilig na ipinaramdam mo,

Nagduda

Ako

Hindi

Ako

Nagtiwala

Masaya ako

Oo

Mahal kita

Oo

Buo ang tiwala ko?

Hindi

Hindi totoo na

Umasa ako na tayo na nga hanggang sa huli

Lahat nang yan

Kasinungalingan

Sa isip ko

Hindi totoo na

May "tayo" hanggang dulo

Sa puso ko,

Akala ko,

Sinungaling ka.

Mahal

(Basahin pataas)

-P.A

POETRY ( compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon