Spoken Word Poetry - 24 "SEEN"

27 4 0
                                    


Anyare?
Bat sineen lang ako?
Ni isang reply wala?
Ano ka Ka? Peymus

Hay nako!
Sineen nya ko,sineen din nya ko,sineen nyo akong lahat. Aba! Nakamute pa pala ako sa lagay na yan.
Sana di mo na sineen kasi
naka-mute na ako di ba?

Kasawa! Palagi nalang ako nagiisa at binibilang ang takbo ng oras kung may isa man lang ba sa inyo ang mamansin at kakausapin ako? Yung tipong kukumustahin ako? O alamin yung nararamdaman ko.

Bakit ba ganito ang buhay?
Kadalasan ang mga tao ay ayaw makipa-usap sa kagaya ko.

Tao lang ako,di ako perpekto pero sana bigyan nyo rin ako ng halaga kasi tao din ako! Tao din ako na
Nasasaktan kagaya niyo!
Ano bang mali sa 'kin?

Nalaman ko nalang isang araw kinukutya pa ako kapag ako'y nakatalikod.
Wow naman! Binabackstab
Nyo pa ako sa lagay na yan?

Di ako manhid! Di ako manhid kagaya niyo na ang alam lang gawin ay mangutya ng ibang tao na kagaya ko.

Sana magbigay pansin kayo sa nararamdaman ng ibang tao. Hindi sila perpekto,oo alam ko pero
Ang tanong...perpekto ba kayo? Tingnan nyo muna ang sarili nyo bago kayo mangutya ng ibang tao
Sapagkat baka nakakasakit na kayo.

-P.A

POETRY ( compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon