Spoken word Poetry- 12 "SINO NGA BA SA AMING DALAWA?"

41 4 0
                                    

Sino nga ba sa aming dalawa,
Ang iyong totoong sinisinta?
Sino nga ba sa aming dalawa, 
Ang gusto mong makasama?

S'ya ba na tinitibok ng puso mo noon, 
O ako na sinasabi mo na gusto ngayon?
S'ya ba na nag-wasak ng puso mo noon,
O ako na kasama mong bumangon ngayon?

Sino ba sa aming dalawa?
Siya ba na dahilan ng iyong pag iyak,
O ako na kasama mo sa iyong pag halakhak?
Siya ba na nagpapalungkot sa maganda mong labi,
O ako na pilit pinasisilang muli ang iyong matatamis na mga ngiti?

Sino nga ba sa aming dalawa? 
Siya ba na sa puso mo'y nananatili,
O ako na iyong pinili?
Pinili mo nga ba ako dahil mahal mo ako o pinili mo lang ako dahil ako ang nandito?

Sino nga ba sa aming dalawa? 
Ako ang kausap mo
Pero s'ya 'tong bukam bibig mo
Ako 'tong nasa tabi mo
Pero s'ya ang hinahanap mo

Sino nga ba sa aming dalawa?
Ako 'tong kasama mo, 
Pero s'ya ang nasa isip mo
Ako 'tong nasa bio mo, 
Pero bakit s'ya pa rin ang nasa puso mo.
S'ya na minsang winasak ang tulad mo,
Tulad mo na tinuturing Kong mundo.

Oo na tanggap ko na 
Tanggap ko nang 
Ako ang gusto mo, 
Pero s'ya pa rin ang mahal mo.

-P.A

POETRY ( compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon