Reverse Poetry - 18 "WALA NA"

33 3 0
                                    

Wala na!
Wala ka nang dapat pang patunayan
Dahil sa totoo lang
Ang isang katulad mo ay walang patutunguhan.
Kapatid, nagkakamali ka kung iniisip mo na
Mararanasan mo ang kaginhawaan
Mula sa iyong kagipitan.

Isa lang 'yong ilusyon,

Kaya tanggapin na lang natin ang katotohanan na
Wala kang mapapala sa pagsamba
Hindi totoong
Magiging susi ang pagpapakumbaba para ika'y umangat
Dahil
Walang kwenta ang iyong mga patotoo
Hindi totoong
Magkakaron ng pagbabago
Sa mundong iyong ginagalawan

Dahil
Walang kapangyarihan ang mga salita
Kapatid, nagkakamali ka kung iniisip mo na
Mapagbubuklod-buklod tayo ng ating pananampalataya

Makakamtan natin ang tunay na kalayaan.
Kung tayo'y magbibigayan at magtutulungan
Kaya huwag kang maniniwala sa mga sa sabi-sabi
Wala kang kwenta
Kapatid, nagkakamali ka kung iniisip mong
Kapag ikaw ay nanampalataya, ikaw ay mapapalaya

Makakamtan mo ang pagbabagong iyong hinahangad
Kung maglalakad ka nang diretso patungo sa iyong pangarap
Dahil sa totoo lang
Biglang bumaligtad ang lahat
Nang aking napagtanto ang mga bagay na ito.

"Tinanggap niya tayo"
"Mahal ako ng Diyos"
"Mahal ka ng Diyos"

Ang Pag-ibig ng Diyos ay ang susi para makamit ang pagbabago

(Basahin Pataas.)

-P.A

POETRY ( compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon