Masasaktan. Nasasaktan. Nasaktan.
Iiwan. Iniiwan. Iniwan.Babangon. Bumabangon. Naka-bangon.
Tatatag. Tumatatatag. Tumatag.Bakit ba kailangan lumisan ng mga taong bumuo, nagpasaya at nagmahal satin ng totoo?
Bakit ba kailangan masaktan ng mga taong nagmamahal lamang ng lubos at tagos?Paano nga ba hihilom ang mga sugat na hatid ng pagmamahal na tapat?
Paano nga ba magmamahal ulit etong pusong natakot na’t ayaw ng malungkot?Bakit ba kailangan ng mga tanong na BAKIT at PAANO?
Ang matatamis mong ngiti ay nakakakiliti. Ang napagakanda mong himig ay nakakakilig. Ang mayumi mong mukha ay di nakakasawa. Ika’y perpekto saking paningin, at kailanma’y sa iba’y di tumingin. Nangungulila na ko sa iyo pero ano pa nga bang magagawa ko? Ibinigay ko na ang lahat ngunit hindi naging sapat. Pinilit kong takpan ang mga sakit ng ngiti. Pinilit kong intindihin ka ngunit ako pa ata ang di mo naintindihan. Pinilit ko. Pinilit. Baka kaya hindi na tayo masaya dahil sa pinipilit ko na lang? Pero sana naman, pilitin mo ring mahalin ako, dahil yun ang pinangako mo, ang pagmamahal na walang hihigit.
Bakit kailangan mong magbitaw ng pangako at hayaan itong mapako?
Bakit sinabi mo na ako’y iyong mahal ngunit takot namang sumugal?Paano nga ba ko makakawala sa mga magagandang alaala na iyong iniwan?
Paano nga ba ko matatauhan kung laging ikaw ang nakikita sa bawat patutunguhan?Ayoko ng magtanong, hindi na rin naman masasagot.
Ayoko ng masaktan, wala ka rin namang pakialam.
Ayoko ng maiwan, matagal mo na palang nagawa.Gusto kong mamuhay muli, ng masaya at may ngiti.
Gusto kong makalimutan ka, dahil mga alala mo’y nakakasakit na.
Gusto kitang yakapin hanggang sa huling sandali.TANGA. Bakit mo yayakapin ang taong dahilan ng iyong pagkalugmok?
“KASI MAHAL KO SIYA”. Tangina! Hanggang ngayon mahal pa din?
“HINDI KO SYA MAKALIMUTAN”. At tangina! Mga pasakit na dala nya’y iyo na bang nakalimutan!?Panahon. Maikling panahon, para mga sugat ay maghilom.
Kaya ko to! Kakayanin ko to!
Matatauhan at magigisinng din ako sa katotohanan.Katotohanang, “WALA NANG AKO AT IKAW AT LALONG LALO NA ANG, TAYO”
-P.A
BINABASA MO ANG
POETRY ( compilation)
Poetry"isang daang tula challenge" start: March 18 2020 end: ?