p r o l o g u e

763 21 4
                                    

"Bakit ako?" tanong niya sa akin. Bigla akong napatigil sa ginagawa ko at tinignan siya.

Tinanong ko ang sarili ko, bakit nga ba ikaw pa rin?

Huminga ako ng malalim, hindi ko kasi alam kung ano ang isasagot ko. Tinitigan ko lang ang mga mata niya at hinayaan ang sarili kong malunod sa mga 'yon.

"Bakit ako?" muli niyang tanong. Tinanggal ko ang tingin ko, hindi ko pala kayang tumagal sa titig niya.

Bakit hindi ikaw?

Nanahimik ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat na sambitin. Hindi ko alam kung tama ba o mali ang isasagot ko.

Ayos lang na ako ang masaktan kaysa makasakit ako ng ibang tao. Okay lang ako, kaya ko naman.

"Bakit ayaw mong sagutin?" rinig ko ang kaunting inis sa boses niya. Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang ginagawa ko. Natatakot ako sa kung ano ang puwede kong masabi, sa kung ano ang magiging reaksiyon niya sa sasabihin ko.

Ayaw kong mawala siya sa akin. Ayos na ako sa ganito, basta 'wag siyang mawala. Ayos na ako kahit na masaktan pa ako, basta nandiyan siya. Basta masaya siya, kahit na hindi ako ang nagpapasaya sa kaniya.

"Bakit nga kasi ako?" hindi niya pa rin ako tinantanan sa tanong niya.

Tinigil ko ang ginagawa ko, huminga ng malalim, tumingin sa kaniya at halos mangiyak-ngiyak dahil hindi ko maintindihan kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Lahat na ata ng puwedeng maramdaman, nararamdaman ko, para akong sasabog.

Hindi ko alam, basta mahal kita.

Gusto ko magsalita, gusto kong isigaw sa kaniya kung bakit siya. Gusto ko sabihin lahat. Pero hindi ko magawa. Hindi ko talaga kaya.

Hanggang sana na lang ako.

Nakatingin lang siya sa akin. Kinagat ko ang labi ko, pinipigilan ko ang sarili ko, ayaw kong umiyak sa harapan niya. Pero huli na ang lahat, nakatitig lang ako sa mukha niya, pumikit at lumuha.

Sana, sana akin ka.

***

Sana Akin Ka (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon