Because of the meeting earlier I can't sleep. Damn. I just met the Queen of Dark Society and it's fvcking her. The mysterious queen has been her this whole time. The most powerful queen in the Mafia world and she's the only girl that leading a Mafia in the Mafia world. Ang kinakatakutan ng lahat. Dmn.
Naurong yung plano kong paghihiganti. Ikaw ba naman kumalaban sa malakas na Reyna. Anong laban ko doon? Mamatay lang ako agad pag nagkataon.
At kanina ko lang din napag-aralan yung mukha niya. Maamo and mukha niya, makinis at parang hindi tinutubuan ng anumang pimples, mahahabang mga pilik-mata, medyo makapal na kilay na maganda sa kanya, pair of gray eyes, ngayon ko lang nakita yung mata niya at napakaganda nito at mapapansin mong hindi ito contact lens, and it's damn not. Matangos na ilong, manipis at mapupulang labi, at ang magandang panga nito. Brownish din ang buhok niya na maganda kahit nakalugay at nakapusod. Maamo ang kanyang mukha pero may nagkukubli palang demonyo sa likod nito.
Lumakas ng tibok ng puso ko tuwing maalala ko ang kanyang mukha.
"Damn" mura ko habang inaalala ang kanyang mukha. Why am I feeling this way? Hindi nagtagal ay dinalaw na din ako ng antok at nakatulog.
AUTHOR'S POV
HI! I just want to say na ang magiging Thea natin ay si Urassaya Sperbund, sa mga hindi nakakakilala kay Yaya, ay search niyo nalang HAHAHA. Isa siyang actress, a thailand citizen, gumanap siya bilang Princess Alice sa The Crown Princess kung napanood niyo yun HAHAHA, LAKORN yung The Crown Princess.
At ang magiging Vin natin ay si hindi ko pa alam eh pero suggest kayo kung sino ang mas bagay na role kay Vin.
Thank you Astrydsss!
Uno's POV
"May information na ba kayo tungkol sa Mafia Queen?" tanong ni Boss habang nakaupo siya sa dulong bahagi ng mesa. Nandito kaming lahat na mga magagaling na tauhan niya. Lahat ng tauhan niya ay inuutos niyang hanapin ang Mafia Queen, ang pinakamalakas sa lahat.
"Wala pa kaming information sa Mafia Queen, my Lord. Pero ang alam lang namin ay sa eskwelahan nila Uno ang Mafia Queen." nagsalita si Yran, ang isa sa pinakamalakas na reaper sa grupo. Agad na tumingin sa akin si Boss.
"Kayo, Uno, Dos, at Tres. May nahanap na ba kayong information kung sino ang Mafia Queen?" tanong ni boss at tsaka nagsalin ng alak sa kanyang baso. Napayuko ako at bigla ding tumingin kay Boss at sinalubong ang seryoso at malamig nitong tingin.
"Wala pa din po, Boss" sabi ko naman dahil ako ang namumuno kila Dos at Tres, ako ang kanilang leader sa mga ganitong bagay.
Bigla hinampas ni Boss at mesa kung kaya't nagkaroon ng malakas na kalabog sa mesa.
"Hanggang ngayon hindi niyo pa din alam kung sino ang babaeng yan?!" sigaw nito sa mga nasa loob ng kwartong aming pinagpupulungan. Galit na galit na ang kanyang mukha at puro nakakuyom ang mga kamay nito.
"Mailap po at maingat ang babaeng---" naputol ang sasabihin ni Lian, isa rin sa pinakamagaling na sniper sa grupo.
"Wala akong pakealam! Basta hanapin niyo ang babaeng yan sa lalong madaling panahon bago pa tayo maunahan ng Master Min na yan!" sabi nito tsaka umalis sa kwarto kasama ng kanyang mga bodyguard. Napasandal na lang kami sa aming upuan.
"Tutulungan namin kayo sa paghahanap ng Mafia Queen doon sa inyong paaralan." si Yuan, computer hacker. Napaupo ako ng maayos at tsaka tumingin sa kanya.
"Magaling magtago at magaling ding mag-ingat. Halatang matalino ang babaeng nasa likod nito. Maaring nasa harap niyo na siya pero hindi lang napapansin. Maaring nakikipagkaibigan na din sa inyo sa paaralang iyon. Huwag kasing isang babae lang ang nakikita ng iyong mata, Uno. Baka maunaha pa tuloy tayo." si Lian habang nakangisi ito sa akin. Umiwas nalang ako ng tingin at tsaka tumayo.
Alam ko kung sino ang tinutukoy niyang babaeng siya na lamang ang aking nakikita. Alam na alam niya, shit.
Lumabas na kami sa kwartong iyon dahil baka hindi ko matiis at mapagbuhatan ko ng kamay si Lian.
May kanya kanya kaming kakayahan. Isa akong hunter. Si Dos, ay isang professional bomb defuser, nag-iisa lang siya sa grupo. Si Tres, kaya niyang gumawa ng bomba, siya ang piankamagaling sa paggawa ng mga bomba. Propesyonal kami sa paghawak ng mga sandata dahil tinuruan na kami noon upang sumabak sa mga ganitong bagay.
Nakarating na kami sa parking lot dahil isang hotel ang aming meeting place. Nagpaalam na din kaming tatlo at sumakay na sa kanya kanyang kotse. Una akong umalis at nagmaneho na labg pauwi. Pero habang nagmamaneho ako sumagi sa isip ko ang mukha ni Thea.
"Hindi na siya tulad ng dati"
Pansin ko ang pag-iiba ng kaniyang ugali, mula sa masayahin hanggang sa parang naging robot na ang kanyang ugali. Madalas siyang titignan mong napakalamig ng tingin niya. Napakaseryoso niya. Nawala na yung dating siya.
"Babalik ka din sa akin, love"
astryd_arisa
YOU ARE READING
THE QUEEN (Completed)
AzioneYou will meet the person you wouldn't want to mess with. Because she can kill you right away with no mercy. She dressed in angelic and meek face but behind that face is there is no mercy, dangerous, and a monster in killing personality on her. The...