Unti unti kong minulat ang aking mga mata. At unang nakita ang kisame. Napaupo ako at agad na lumabas ng kwarto pero bago pa man iyon ay may paperbag na nasa harap ng kwarto kung saan ako natulog. Kinuha ko ito at may nakadikit na sticky note.
'Wear these. May pupuntahan lang akong meeting. Pwede ka ng umuwi pagkatapos, nasa mesa ko ang pagkain mo.'
Napangiti naman ako dahil sa nakasulat. Kinuha ko muna yung pagkaing nasa lamesa niya at tsaka ulit bumalik sa kwarto. Kumain muna ako at pagkatapos ay naligo na din at pagkatapos at nag-toothbrush. Plain white t-shirt and short na itim hanggang tuhod. Isinuot ko na din yung sapatos ko kahapon. Inilagay ko yung mga gamit ko kagabi at inilagay sa paperbag. Nagtataka din ako kung paano siya nakakuha ng undergarment ko.
Lumabas na ako ng kwarto at pumunta sa sala ng opisina niya. Inilibot ko muna ang paningin ko sa opisina niya. May chandelier sa gitna with also a gold designs, wall has it gold linings, white walls, furniture is white, sofa set is gray, the floor has it's gray tiles marbled with gold, her desk na ngayon ay nakasalansan na at maayos ng tignan, her gray colored desk with glass above, glass on the back of her office table. Ang nakatawag din ng pansin ko ay ang picture, noong bata pa siya, katabi niya si Thyron na nakangiti. Marunong naman pala siyang ngumiti. Trophy in a cabinet na natatakpan ng glass, andami, nasa gilid ito ng opisina. Karamihan yata ay trophy para sa archery at ang mga iba naman ay para sa kompanya, meron din siyang trophy na nasisiguro kong galing sa race na sinasalihan niya dahil sa kotse ay minsan ay gulong ang disenyo nito, puro ginto ang kulay.
"Tapos kana titigan ang mga trophies ko?" napatingin ako sa pinto at nakita siyang nakatayo doon habang naka-cross arms. May sumulpot naman sa likod niya. Leo.
"Hi, pare. Musta?" parang nang-iinis pa nitong sabi kaya naman dumilim ang mukha ko.
"Stop that, Leo." lumapit siya sa table niya at tsaka may kinuha sa drawer niya. Folder. Agad na ibinigay niya ito kay Leo. "Ibigay mo yan kay La Vista." sabi niya kay Leo tsaka naman ito tumango.
"I gotta go then." sabi nito kay Thea, tumango naman si Thea at pumunta na sa swivel chair niya. Tumingin naman sa akin si Leo at ngumisi, sinamaan ko nalang siya ng tingin at umalis na.
Tinignan ko naman si Thea, maayos na naka~braid ang kanyang buhok, habang nakasuot siya ng blazer at suot ang hindi ko alam ang pangalan pero maluwang ang dulo ng kulay itim na kanyang suot pang-ibaba, at ang kanyang pang-itaas ay kulay puting off-shoulder nanaman pero may nakasabit na tela na kasama ng off-shoulder sa kanyang magkabilang balikat.
"Hindi ka pa uuwi?" tanong niya sa akin habang nakatingin ng diretso sa akin.
"Gusto mo na ba akong umalis?" nakanguso kong sabi tsaka naman siya bumuntong hininga.
"Hindi naman sa ganun, pero baka hinahanap kana ng Ate at Daddy mo. Hindi ka umuwi kahapon." sabi niya at saka inikot ang swivel chair paharap sa glass na nasa likod ng kanya lamang office table at swivel chair. Tanaw na tanaw doon ang mga sasakyan, mga ibang building, at kulay asul na kalangitan.
"Okay lang sa kanila yun." sabi ko naman sa kanya. "Ikaw, hindi ka pa ba uuwi?" nakatingin pa din ito sa labas na tanaw ang langit.
"Mamaya konti." tumango nalang ako sa sinabi niya.
"Hihintayin nalang kita."
"Bahala ka." sabi nito at tsaka naman ako pumunta sa sofa at umupo dito. Nagpandekwatro ako at tinitigan ang likod ng swivel chair kung saan siya nakaupo. Napaka-cold hearted niya pa din. Walang kaemoemosyon pa din ang kanyang mga matatamlay na mga mata, ni labag pa nga yata sa kalooban niya ngumiti minsan.
"May tatanungin ako, Thea." sabi ko dito.
"What?"
"Bakit walang kaemoemosyon ang mukha at nga matatamlay mong mga mata?" takang tanong ko dito at tsaka naman humarap ang inuupuan niyang swivel chair at nakatingin ito agad sa akin.
YOU ARE READING
THE QUEEN (Completed)
AksiYou will meet the person you wouldn't want to mess with. Because she can kill you right away with no mercy. She dressed in angelic and meek face but behind that face is there is no mercy, dangerous, and a monster in killing personality on her. The...