"Thea." mahinang usal ko pero napatingin sa akin sila Shawn, Shay, Polaris, Raven, Rage, at Ryan.
"S-sino?" si Shay. Napatingin ulit ako doon na ngayon ay nandoon pa din siya. Hindi man siya mahahip masyado dahil naka-all black ito at nakasumbrero. Napatingin naman sila doon. Hagip namin ang pagngiti niya sa amin.
"Siya nga." bigla akong tumakbo papunta sa rooftop at agad naman silang sumunod sa akin.
Siya yun, hindi ako pwedeng magkamali.
Kahit na may nadadaanan kaming mga prof ay hindi namin ito pinansin. Mamaya nalang yan, mas importante siya ngayon. At may mga ibang estudyante na napapatingin sa amin dahil sa pagtakbo namin.
Nang makarating kami sa rooftop ay ipinalibot ang tingin ko sa kabuuan ng rooftop at agad na tinakbo kung nasaan siya kanina.
Wala na siya doon.
Napahawak ako sa tuhod ko habang habol habol ang hininga ko. Ng bigla nalang may tumulong luha sa mga mata ko.
Bigla ko namang narinig ang mga yabag nila sa likod ko.
"I saw her too." sabi ni Ryan habang nakatabi na sa akin.
"Pati kami nakita din namin. Don't worry, Vin. Kapag nagpangako siya ay talagang tutuparin niya." sabi naman ni Polaris.
Napaupo nalang ako sa railings kung saan kanina nakaupo si Thea, nang mahagip ng mata ko ang isang sobre na kakulay ng mga mata niya.
Pinulot ko iyon sa batuhang nandito sa rooftop at tsaka bumungad ang puting papel agad kong binuksan iyon. Merong sulat.
I'll return because I should. Just wait for me. Babalik ako sa araw na kailangan ako ng Alpha. I promise.
"Babalik ako sa araw na kailangan ako ng Alpha." basa ni Shawn.
Sa araw na kailangan ako ng Alpha.
"Kailan yun?" nakakunot ang noong tanong ni Raven.
"Pagkatiwalaan nalang natin siya." sabi naman ni Ryan.
Tumayo na ako at agad na inilagay ang puting papel sa loob ng abo'ng sobre.
"Tara na." sabi ko at nauna ng maglakad.
Okay na sa akin to. May panghahawakan na ako na talagang babalik siya. Buhay siya.
Thea's POV
Nakita nila ako. At mas magandang magpakita nalang muna ako sa kanila hangga't hindi ko pa pwedeng magpakita. Although, I can kill those people who nearly killed me in just a week or day. Pero si Ax, pinagbabawalan niya nga rin akong lumabas, tumakas nga lang ako eh.
Pagpasok ko sa bahay ni Celestia at may agad nagsalita sa likod ko.
"Where the hell have you been?" napatingin ako doon at agad kong nakita si Ax na nakacross arms na madilim na nakatingin sa akin. Bale nasa salas kami ngayon.
"Nothing." inis kunwaring sabi ko tsaka naman siya lumapit sa akin. "Tangina wag ka ngang lumapit." sabi ko sa kanya pero hindi niya sinunod.
"And why would I do that?" napairap nalang ako sa kanya at humakbang paatras. Humahakbang pa ako paatras ng biglang may nabangga ako sa likod ko.
"Hey! Bakit naka-cap ka Thea? Saan ka nagpunta?" masayang sabi ni Zeus sa likod ko. Siya yung nakabangga ko.
"Bakit di mo nalang sabihin sa amin na nagpakita ka sa kanila?" sabi ni Ax. Napatingin naman ako sa kanya na pinaggitnaan na ako ni Zeus at Ax.
YOU ARE READING
THE QUEEN (Completed)
БоевикYou will meet the person you wouldn't want to mess with. Because she can kill you right away with no mercy. She dressed in angelic and meek face but behind that face is there is no mercy, dangerous, and a monster in killing personality on her. The...