Thea's POV
I wake up dahil sa mainit na paghinga ang nasa batok ko. Bakit mainit? Unti unti kong minulat ang mata ko at napagtantong wala na pala ako sa kwarto ko. Napagtanto kong kasama ko pala si Vin. Oh shit.
Nakayakap din yung braso niya sa bewang ko. Unti unti kong inangat yung kamay niya na paalis sa bewang ko. Unti unti ko ding tinulak siya ngunit bago pa yun ay hinawakan niya yung kamay ko. Unti unti siyang nagmulat ng mata.
"Goodmorning. Ang ganda talaga pagmasdan yang mga mata mo." feeling ko namumula ako jusko naman.
"U-uhm Vin pwede umusod ka konti?" sabi ko naman sa kanya pero bigla nalang niya akong niyakap habang nakapikit siya kaya yung ulo ko ay nasa leeg na niya ngayon. His manly scent attacked my nose.
"Oy Vin."
"Hmm?"
"Pasyal tayo." sabi ko naman tsaka naman siya nagmulat ng mata. Unti unti niyang tinanggal yung kamay niya at umupo kaya umupo rin ako.
"Maligo ka na." sabi niya tsaka ako pumunta sa closet at kumuha ng high-waist fitted jeans at ugh bakit ba off-shoulder lang ang mga nandito? Nakakabanas. I just grab the gray-colored off shoulder and undies then I go to the CR para makaligo. Pagkatapos kong gawin ang morning routine ko and kasama na doon yung pagliligo obviusly. Nagbihis na ako at lumabas na ng CR.
Tinignan naman ako ni Vin from head to toe.
"Wala bang mas iba kaysa sa off-shoulder?" tanong niya habang nakataas ang isang kilay.
"None, ito lang ang nakita ko bukod pa sa pambahay na mga damit." agad akong lumapit ulit sa closet dahil may nakita ako kaninang white rubber shoes. Agad namang kumuha din ng damit si Vin sa isa pang closet dito sa kwarto at dumiretso na rin sa CR.
Anong problema nun? Daig pa ako na merong dalaw. Umagang umaga sungit sungit.
Isinuot ko na yung rubber shoes at tinignan ang repleksyon sa salamin. Bagay na bagay yung off-shoulder kakulay ng mga mata ko. Si Dad ang may gray na mga mata, habang si Mom ay brownish-gold. Si Thyron ang nakakuha ng mata kagaya ni Mom na brownish-gold. Magkamukhang magkamukha daw kami ni Thyron bale I am his girl version and he is my boy version, something like that, but then ang pagkakaiba lang namin ay yung mga mata.
Ilang minuto pa ang nakalipas at lumabas na din siya sa CR at ako ngayon ay nakaupo sa isang single sofa na nandito sa loob ng kwarto.
Nakasuot siya ng jeans na kakulay ng high-waist pants ko na hanggang tuhod lang sa kanya. At naka dress shirt. Color gray. Parang kapag tinabi ako sa kanya ay magmumukha kaming magkasintahan.
Pagdating ng paningin ko sa mukha niya ay nakangisi na ito.
"Matutunaw ako wag masyado." yabang.
"Mukha mo."
"Ano?"
"Ang sabi ko ang bingi mo." sabi ko naman kaya naman siya tumawa. What's funny?
Nagsuot din siya ng white rubber shoes ng kagay ng akin. Seriously? Pati ba naman sapatos? Kinuha ko na yung sling bag ko na dala ko kahapon at isinukbit sa balikat ko at tsaka kinuha yung sunglass ko.
YOU ARE READING
THE QUEEN (Completed)
ActionYou will meet the person you wouldn't want to mess with. Because she can kill you right away with no mercy. She dressed in angelic and meek face but behind that face is there is no mercy, dangerous, and a monster in killing personality on her. The...