Monday at nakakabagot bumangon. Nagulat nalang ako ng biglang pumasok si Mommy sa kwarto ko.
"Hay jusko Victoria! Maligo kana may mga bisita tayo at may sundo ka sa baba!" etong si Mommy hyper agad umagang umaga. Masayang sabi nito sa akin kaya napakunot naman ang noo ko habang nakaupo sa gilid ng kama. Bisita at sundo, sino?
"Sino, Mom?"
"Basta!" sigaw ulit niya at tsaka niya inihanda ang mga damit ko. "Here." abot niya sa mga damit ko at mabilis na hinila at ipinasok sa CR. Nagpahila nalang ako at tsaka agad niya ding isinara yung pinto ng banyo. Napairap nalang ako sa hangin at naligo na din.
Matt's POV
Nasa bahay ako nila Thea. May kaharap din akong dalawang lalaki na nakatingin din sa akin ng diretso.
"Wait for her here, okay?" nakangiting sabi ni Tita Michelin.
"Ofcourse, Tita. I can't wait to see my baby."napatingin sa akin si Tita Michelin at ngumiwi. Tumingin naman sa akin yung nakangising lalaki na kuma-usap kay Tita. Habang yung kasama niya naman ay tahimik lang na nakikinig sa amin. Magkamukha sila and I bet magkambal sila.
"Pupunta na muna ako sa kusina. Hintayin niyo nalang siya, pababa na rin ang Tito niyo." sabi niya tsaka naman kami tumango at naglakad na siya paalis.
"You are?" tanong nung tahimik na lalaki.
"Matt. Matthew Vin Prescott." tumango naman siya.
"So you are a Prescott, how's Meisha?" tanong ng lalaki nakangisi kanina at ngayon ay seryoso ng nakatingin sa akin. Bakit kilala niya si Ate?
"How did you know my sister?" tanong ko habang nakakunot ang noo.
"Sagutin mo din tanong namin." sabi nung tahimik na lalaki. "What are you doing here?" nakakunot din ang noong sabi nung tahimik na lalaki. Potek ano ba kasing pangalan nito? At para hindi ko laging sinasabi na tahimik na lalaki?
"Ako ang unang nagtanong." seryoso kong sabi.
"You better ask her." sabi naman nung lalaki nakangisi. Nakakabwiset yung ngisi niya.
"I am here to fetch Thea."
"Ow the boyfriend?" sabi ng lalaki na nakangisi pa din.
"Fiance." napatango naman siya.
"I'm Shawn, Shawn Lastreim." pagpapakilala niya sa sarili niya. Lastreim. Parang pamilyar. Narinig ko na yata eh hindi ko lang matandaan kung saan.
"Shay Lastreim. Twin brother of Shawn." sabi nung tahimik.
"Shawn? Shay?" ng may biglang nagsalita sa may hagdan. Napatingin kami dito. Nakatigil siya at may ngiti na nakaguhit sa kanyang labi. Sumakit bigla dibdib ko. What the fvck? Agad siya tumakbo papalapit sa amin at nakatayo na rin yung dalawa habang nakangiti yung magkambal sa kanya. Agad naman sinalubong ng yakap yung magkambal si Thea.
"Kailan pa kayo nandito?" nakangiti paring sabi ni Thea nung maghiwalay sila sa yakap.
"Kanina lang." sabay yung magkambal na nagsalita."Where's Polaris and Raven?" tanong naman ni Shay nakangiti ito nung banggitin niya yung pangalan ni Polaris. Something?
YOU ARE READING
THE QUEEN (Completed)
ActionYou will meet the person you wouldn't want to mess with. Because she can kill you right away with no mercy. She dressed in angelic and meek face but behind that face is there is no mercy, dangerous, and a monster in killing personality on her. The...
