Chapter 47

30 8 4
                                    

Celestia's POV

Nasasaktan ako tuwing siya pa rin ang iniisip ni Ax. At ngayon, sinundan siya nito. Pinigilan naman ako ni Ate.

"Let them. Let's just wait here." sabi niya tsaka naman ako tumungo. Nakaupo pa rin kami sa sofa at kaharap namin sila Loraine at Zeus. "I know you have feeling para kay Ax." napatingin ako jay Ate tsaka nag-iwas ng tingin.

"N-no, I'm n-not." shit! Bakit ka ba nauutal!

"Oh kaya pala nauutal ka." sarkastikong sabi niya kaya ko naman siya tiningnan at hinilig ang ulo ko sa balikat niya.

"Ate, what if I am inlove to Ax?" hinaplos naman niya ang buhok ko.

"No problem with that sis." sabi nito.

"Hindi ako sigurado kung infatuation lang ba ito o gusto ko talaga siya." sabi ko tsaka naman siya tumawa ng mahina. Hindi naman umiimik ang dalawang nasa harap namin at busy naman sa paglalaro sa mga cellphone nila.

"Then prove it by yourself." napatingin ako sa kanya.

"Prove it by myself? Pano?" tanong ko dito tsaka naman niya pinisil ang pisngi ko.

"Nagseselos ka? Lagi mong hinahanap? Nag-aalala ka minsan para sa kanya? Ayaw mong may kasama siyang ibang babae? Hindi siya nawawala sa isip mo? Lagi mo ba siyang iniisip? Kung kumain na ba siya? At panghuli, bumibilis ang tibok ng puso mo pagkasama at nasa malapit lang siya? " hindi ko maintindihan ang mga sinabi niya. Bahala na.

Bumuntong hininga ako at nagkibit balikat. May mga napuntuhan ang mga sinabi ni Ate, pero hays bahala na.

Polaris's POV

Anak ng timang.

Kanina pa ring ng ring itong cellphone ko habang nagbabasa ako ng libro. Padabog kong hinawakan ang phone ko na nasa study table ko at agad ding pumunta sa kama para basahin ulit yung binabasa ko. Agad ko itong sinagot kahit hindi ko alam ang pangalan.

"Sino ba to?!" inis na sabi ko. Nangagalaiti ako sa inis dito sa kanina pang tumatawag.

"Easy, Laris." napairap nalang ako sa hangin.

"Ano nanaman bang kailangan mo, Ferrion?" nakakunot ang noong tugon ko dito pero tumawa lang siya sa kabilang linya. "Wag mo akong gagalitin, Ferrion. Pinapangako kong hindi mo na ulit ako makakausap kailan man." napatigil siya sa pagtawa at agad na tumikhim sa kabilang linya.

"Gusto ko lang marinig ang boses mo bago ako matulog." naglalambing ang boses niya sa kabilang linya. Nagtataka kayo kung ano ang status namin nitong lalaking ito? Jusko wala! Ang kulit! Ako lagi ang pinagdidiskitahan, nakakabwiset na din.

"Ngayong narinig mo na ang boses ko. Tumigil ka na sa kakatawag pwede?" pinatay ko na yung tawag at pabagsak na binaba ang phone sa kama. Pinagpatuloy ko na ulit ang pagbabasa hanggang sa tumunog ang cellphone ko, hudyat na may nagmessage. Agad kong tinignan ito at napabuntong hininga nalang.

From: Ferrion

Goodnight, see yah tomorrow. Pasok ka bukas ha? Para may makulit ako ulit HAHAHAHAHA.

Mukha mo ulol.

Napairap nalang ako sa hangin at tsaka itinuloy nalang ang pagbabasa.

THE QUEEN (Completed)Where stories live. Discover now