Thea's POV
I love you even if you're now inlove with someone else.
Kaya ako pumunta sa school kanina ay gusto kong makita talaga si Ax kung anong nangyare ng time na itong naaksidente ako dahil walang sinasabi sila Daddy sa akin na nagka-amnesia ako because I am perfectly fine nung lumabas kami sa hospital 2 years ago. Parang wala naman akong napansing nagbago or nadagdag sa memorya ko. Ang alam ko lang ay nagising ako sa hospital kung saan nasa States kami. Pero what did I saw earlier? Nagbasagan sila ng mukha.
Nandito na ako sa kwarto ko habang nakatingin sa kisame. Hindi pa rin nawala ang tingin ko sa kisame hanggang sa may kumatok sa pinto.
"Thea." Vin. Hindi ako sumagot at patuloy pa rin sa pagtitig sa kisame. "Can you eat just a little bit? Mangangayayat ka niyan. Buksan mo ang pinto." pinindot ko naman ang button para bumukas ang pintuan. Nakakasilaw ang ilaw sa labas kase nakapatay ang ilaw dito sa kwarto ko. Nakatingin pa rin ako sa kisame hanggang sa pumasok si Vin tsaka ko pinindot ang button para sumara. Marahan itong umupo sa gilid ng kama ko at tsaka inilapag ang tray sa desk table ko.
"Kumain kana...please." nagmamakaawa nitong sabi kaya tumingin ako sa kanya.
"Alright." umupo ako sa tabi niya at kinuha naman niya yung pagkain sa desk table ko. Kinuha ko iyon at kinuha ang mini table na para lang sa tray. Nag-umpisa na akong kumain pero naiilang ako sa titig niya. "Pakakain mo ba talaga ako o gugutumin? Hindi ako makakain dahil sa titig mo." napatawa naman siya sa sinabi ko. Napataas naman ang isang kilay ko sa kanya. "Why are you laughing?" nakataas ang isang kilay kong sabi.
"Oh. Nothing. You're cute when annoyed." tumawa ito ng mahina.
"You're creeping me out Vin." iiling iling na sabi ko sa kanya tsaka naman siya nagkibit balikat. Pinagpatuloy ko na ang pagkain samantalang siya ay nag-ikot sa buong kwarto ko.
"Your room is solemn yet elegant. Black, white, and gold." tatango niyang sabi. Minsan talaga hindi ko matantsa itong ugali ng lalaking ito.
"I designed it." sabi ko tsaka ibinalik ang tray sa malapit na lamesa. Umupo ako sa kama habang nakahalukipkip na nakatingin kay Vin na nag-iikot sa kwarto ko.
"You're a good designer. What's your course to get then?" tanong nito at tsaka tumingin sa akin.
"What do you expect from Mom and Dad? Ofcourse it's business." sabi ko tsaka naman siya nagkibit balikat at bumalik ang tingin sa kwarto ko.
"I bet there's a gun hiding somewhere else here." sabi naman niya tsaka bahagyang natawa.
"I only keep 2 guns and a katana here in my room." tsaka ko tinuro yung rectangle painting na nasa tabi lang ng pintuan. Lumapit naman siya doon. "Push the painting." sabi ko sa kanya tsaka namam niya ito ginawa kaya nabuksan ang painting at lumitaw sa likod nito ang katana na nakalagay sa dalawang short stand na sa magkabilang medyo dulo ng katana. Kinuha naman niya iyong at pinagmasdan.
"You're really dangerous." tsaka niya sinipat ang nakasisilaw na blade nito. I don't leaving my blade weapons unsharped. They are always sharp.
"Baka masugatan ang kamay mo. Wag mo masyadong hawakan ang blade niyan. It's a very sharp katana." nakangisi kong sabi.
"Yeah. Alam ko." sabi niya tsaka ibinalik kung saan ang katana. "Where's the gun?"

YOU ARE READING
THE QUEEN (Completed)
ActionYou will meet the person you wouldn't want to mess with. Because she can kill you right away with no mercy. She dressed in angelic and meek face but behind that face is there is no mercy, dangerous, and a monster in killing personality on her. The...