Chapter 14

29 9 7
                                    

Thea's POV

"Can I court you, baby?" bulong ulit nito sa akin. Nagsisink in pa din sa akin yung mga sinabi niya.

Biglang bumalik ako sa ulirat ng may biglang tumikhim. Pagkatingin ko ay si Polaris at Raven habang nakatingin sa amin. Doon ko lang din napansin na napakalapit namin sa isa't isa ni Vin. Natulak ko siya bigla dahil sa pagkabigla at muntik na siyang natumba sa upuan pero buti nalang nakahawak siya sa isa sa mga upuan.

"Damn, baby." he mouthed tsaka tumingin ako kila Polaris at Raven na nakangiwi. Inayos naman ni Vin yung upuan dahil upuan iyon ni Raven. Habang yung magkambal naman ay nakakunot lang ang noo at pabalik balik ang tingin sa amin ni Vin.

"Ano pang tinatayo tayo niyo jan. Umupo na kayo." sabi ko at biglang pumasok si Ryan at Rage.

"Ehem, excuse me." sarkastikong sabi ni Rage kay Raven. Umupo naman na sila Polaris at Raven. Nakatingin pa din sa akin ang magkambal.

"Can you fvcking remove your gaze at me?" malamig na sabi ko sa magkambal at tsaka naman sila umiwas ng tingin.

Pumasok na yung teacher namin. Si Ms. Valentine.

"Goodmorning, Class. May further announcement lang tayo para sa nalalapit na competition and all of the schools here in Manila are the participants." paliwanag ni Miss sa harap. Ng biglang magsalita yung babaeng may eyeglasses sa mata.

"Miss, ano po ba yung mga activities na pwedeng pagsalihan." tanong ng babae na medyo nerd.

"We have volleyball, soccer, table tennis, tennis, basketball and archery. Meron ding cookfest, calligraphy contest, and poem writing and chess" paliwanag sa amin ng teacher namin.

"And I am going to list down the players today." sabi ni Miss tsaka nagsalita ulit. "First is volleyball. Who want to be a player? Per section muna ang maglalaro kalaban ang iba pang section dito. Bunutan ang pagpili ng makakalaban natin at kapag nanalo tayo lalaban ulit tayo sa mga iba pang nanalo hanggang sa dalawa nalang ang natitirang section ang maglalaban which is parang final. At kung sino man ang manalo ay sila ang maglalaro sa interhigh which is lalaban sila sa ibang mga schools." paliwanag sa amin ni Miss. "So who's the volleyball girls? So bale walo ang kukuhanin natin per boys and girls. Just say your last name."

"Hadloc, Miss"

"Llanes, Miss"

"Garabilez, Miss"

"Oprido, Miss"

"Villamin, Miss"

"Marquez, Miss"

"Angala, Miss" siya yung babaeng nagtanong kanina kay Miss na medyo nerdy.

"Isa pang babae" tanong sa amin ni Miss. Nagkatinginan naman yung mga kaklase.

"Kami nalang kasi natitira, Miss, na volleyball player last year kase lumipat si Pacheco, Miss" paliwanag ng babaeng matangkad sa gitna, mas matangmad ng konti kay Polaris, at mas matangkad ako kay Polaris. Si Polaris sana dahil volleyball player siya noon at lagi siyang nakukuhang captain.

"Cataline, Miss" sabi ni Raven kaya naman napatingin sa kanya si Polaris na kanina lang ay nakatingin sa bintana.

"Hoy anak ka ng timang kambal, ano bang problema mo?" sabi naman ni Polaris sa kambal niya.

THE QUEEN (Completed)Where stories live. Discover now