Thea's POV
"Next week ang competition. Sure ka bang doon ka magpapakita?" sabi ni Ax habang nakaupo kami sa mahabang sofa dito sa bahay ni Celestia. Ako naman ay nakaupo lang sa tapat nilang mahabang sofa sa tapat ko ay sina Ax na katabi rin niya sila Celestia, Zeus, at Loraine.
"It's crowded there. Are you sure?" Celestia.
"Yeah. Kaya ko namang protektahan yung sarili ko." nakangiti kong sabi sa kanila.
"Make sure you can protect yourself. Nandoon din naman kami pero baka nasa iba't ibang posisyon." sabi naman ni Loraine tsaka naman ako tumango.
"Next week. Monday." tumango nalang ako kila Ax.
"Thank you." may sinseridad sa boses ko kaya naman sila napatingin sa akin at sabay na ngumiti.
"Your always welcome." Celestia.
"I'm sorry, Tori. Nung una akala ko kasi manganganib kami dahil sayo dahil sa kakayahan mo. Inaalala ko lang yung kaligtasan namin. Sorry dahil naging masungit ako nung una sayo." nakayukong sabi ni Loraine. She calls me Tori, sa Victoria niya kinuha yung Tori, para naman daw maiba yung pangalan ko na hindi nalang laging Thea.
"It's okay." natatawa kong sabi. "Kaya ko naman pantayan yung kasungitan mo, mas malalamangan ko pa nga eh."sarkatikong sabi ko na nakangisi tsaka naman siya nag-angat ng tingin na nakangisi.
"Yeah I know." nakangiti niyang sabi.
"Basta kapag may kailangan ka, pwede mo kaming tawagan." kumindat pa si Zeus kaya nabatukan nanaman siya ni Loraine.
"Ofcourse, I will." nakangiti kong sabi.
"If sinaktan ka ni Vin. Hindi ako mag-aatubiling agawin ka sa kanya, tandaan mo yan." seryosong sabi ni Ax tsaka naman humiyaw si Zeus at tinapik tapik pa ang braso ni Ax na nakatingin sa akin.
"Whatever." inirapan ko napang siya tsaka naman natawa si Loraine, Celestia, at Zeus.
"Okay lang yan, Uno HAHAHAHA. Okay lang talaga yan." tumatawang sabi ni Celestia kaya naman ngumuso si Ax.
Uno's POV
Yes, I'm happy that I am with her but hell. Alam kong si Vin pa rin ang nasa isip niya. Nalaman ko din na may naaalala na siya pero hindi ko alam kung kumpleto ba. Nagtataka ako jung bakit naaalala niya pero hindi man lang niya ako pinaramdam na mahal niya ako. Is it too late Thea? Is is too late?
Nandito ako ngayon sa gilid ng swimming pool kung saan may mesa at upuan. Sumimsim naman ako ng alak sa baso na nasa mesa at isang botelya ng rum.
"Masakit ba?" napatingin ako sa nagsalita sa likod ko. Zeus with his annoying smirk.
"Shut up." sabi ko tsaka naman siya umupo sa isang upuan sa kabila ng mesang nakagitna sa amin.
"Alam ko masakit. Nakikita mong may mahal ng iba yung mahal mo." sabi niya tsaks ko siya bahagyang tinignan. Nakatingin siya sa swimming pool.
"It sucks! May naaalala siya pero hindi man lang niya pinaramdam na mahal niya ako. Alam kong may natitira pang pagmamahal sa akin si Thea, alam ko yun dahil nakikita ko sa mga mata niya. Pinipigilan niya ang nararamdaman niya!" inis kong sabi tsaka diretsong nilagok ang alak na nasa baso at agad ding nagsalin ulit.
YOU ARE READING
THE QUEEN (Completed)
ActionYou will meet the person you wouldn't want to mess with. Because she can kill you right away with no mercy. She dressed in angelic and meek face but behind that face is there is no mercy, dangerous, and a monster in killing personality on her. The...