"No!" sigaw ni Thyron at tsaka naman biglang natumba ang lalaki dahil sa tama ng baril, nakahawak si Thyron ng baril sa gitna ng nakatali niyang mga kamay. Narinig ko naman ang sunod na sunod na putok ng baril sa labas mg kwarto. Pinukpok ko ang baril ko sa ulo ng babaeng hawak ko ang kamay at agad naman itong nakatulog. Nanghihina ako habang papalapit kay Thyron. Agad kong kinalas ang mga tali sa kamay at paa nito. Naluluha ako dahil sa hapdi sa likod ko at batid kong mahaba ang pagkakahiwa dito. Pagkakalas ko ng tali ni Thyron ay agad kong kinuha ang jacket na suot ng babae at isinuot kay Thyron, may nakita naman akong extra jacket sa mesa na nandito sa loob ng kwarto at agad iyong isinuot.
"Don't tell anyone about this okay?" nahihirapan kong sabi dahil sa hapdi.
"No! I'll tell this to Mom--"
"No. Ayoko silang mag-alala. Gagaling din ito magpapagaling ako." inassure ko muna sa kanya na ngayon ay naluluha na din.
"Pero ate nahihir---"
"No, no. Hindi ako nahihirapan just please don't tell this to them. It's worth it because I'd rescue you. Okay? Please brother." pagmamakaawa ko dito.
"Okay pero siguraduhin mong ipagagamot mo iyan. " unti unti akong tumango at dahan dahan siyang pinatayo. Namimilipit man ako sa sakit dahil aa hiwa sa likod ko pero hindi iyon alintana dahil kailangan kong protektahan ang kapatid ko. Lumabas na kami ng kwarto at agad na hinugot ang baril ko sa gun pocket na nasa thigh ko. Ng lumabas kami ay agad sumungad sa amin ang tatlong lalaki tsaka kami pinatamaan ng bala. Agad naman kaming umiwas pero hindi ako nakaligtas dahil nadaplisan ako sa braso. "Ate please tama na yan na sugat sayo please." tumingin ako kay Thyron at agad na tumango, pinatamaan ko yung tatlo ng walang hirap. Mabuti nalang at sa unang palapag lang ang kwarto kaya madali kaming nakalabas ng building. Nakita ko naman silang lahat sa labas na nakikipagbarilan sa mga kalaban sa loob. Agad na nagtama ang paningin nila sa amin habang lakad takbo ang ginagawa namin ni Thyron. Prinoprotektahan naman kami ng mga kasama namin at nang makalapit na kami sa kanila...
"Let's go kailangan magamot ni Thyron." sabi ko tsaka naman sila tumango. Pinasakay ko na si Thyron sa kotse at agad na nagdrive pauwi. Ramdam ko ang hapdi ng likod ko at braso. Hindi ko inilalapat ang likod ko sa upuan ng driver's seat habang namimilipit pa din ako sa sakit.
"You're bleeding, Ate." tinignan ko si Thyron sa rear mirror na nasa passenger seat habang nakatingin din siya dito sa akin ng naluluha ang mata.
"Hush brother. Don't cry I'm okay." nakangiting sabi ko dito.
"No, you're not! Namumutla kana, Ate!" galit na sabi nito sa akin, napangiti nalang ako sa kanya at tsaka pinagpapalipat lipat ang tingin ko sa daan at rear mirror.
"I said I'm okay brother don't worry. I'll be fine."
"Ang kulit mo talaga!" galit pa ring sabi nito pero ngiti pa rin ang sagot ko sa kanya. Totoo ngang nmumutla na ako. My lips are pale pati ang mukha ko.
Nagpatuloy lang ako sa pagmamaneho sa kabila ng sugat ko sa braso at likod. Nakadating na kami sa bahay ng sabay sabay din. Inalalayan nila si Thyron papasok ng bahay sila Shawn at Raven. Lumapit naman sa akin si Vin.
"I said take care of yourself." nagsilapitan sa akin ang natitira na nandito sa labas.
"I'm okay." nakangiti kong sabi na nakapagpagulat sa mga mukha nila.
"Sinunod namin ang utos ni Tita na walang masasaktam at masusugatan pero heto ka at may sugat sa braso." tinignan ko ang braso ko dahil sa sinabi ni Shay na ngayon ay umaagos ang dugo dito.
"Malayo sa bituka. Sanay na ako dito." sabi ko naman sa kanila. Hindi ko pinakita ang hapding nararamdaman ko sa likod.
"You're pale." sabi naman ni Polaris. "We better go inside." sabi naman niya tsaka nila ako iginaya sa loob ng bahay. Napasinghap ako ng hawakan ni Vin yung likod ko.
YOU ARE READING
THE QUEEN (Completed)
AksiYou will meet the person you wouldn't want to mess with. Because she can kill you right away with no mercy. She dressed in angelic and meek face but behind that face is there is no mercy, dangerous, and a monster in killing personality on her. The...